• March 14, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Mission accomplished, Noy’

“Mission accomplished Noy, be happy now with Dad and Mom. We love you and we are so blessed to have had the privilege to have had you as our brother.”

 

 

Ito ang mensahe ng kanyang mga kapatid nang kumpirmahin ang pagkamatay ni dating Pangulong Benigno “Noynoy” S. Aquino III kahapon.

 

 

“He died peacefully in his sleep,” pahayag ni Pinky Aquino-Abellada. Namatay si PNoy dakong alas-6:30 ng umaga dahil sa renal disease secondary to diabetes.

 

 

Pinasalamatan naman ni Pinky ang 14.3 milyong Filipino na bumoto kay PNoy noong 2007 bilang senador at 15.2 milyong bumoto sa kanya bilang pangulo noong 2010.

 

 

Inalala rin ni Pinky na naging masakit para sa kanila na tahimik lang na tinanggap ni Aquino ang mga batikos pagkatapos ng kanyang termino.

 

 

“Masakit para sa amin na tahimik nyang tinanggap ang mga batikos. Natatak sa aming magkakapatid na nung sinabihan namin syang magsalita at labanan ang mga maling haka haka, simple ang si-nagot nya – kaya pa nyang matulog sa gabi,” ani Pinky.

 

 

Sinabi rin ni Pinky na matapang na hinarap ni Aquino lahat ng imbestigasyon at akusasyon, sa Sandiganbayan noong Nobyembre 2017 tungkol sa Mamasapano encounter, sa Senado no-ong Disyem­bre 2017, at sa Kongreso noong Pebrero 2018 tungkol sa Dengvaxia vaccine.

 

 

Pinasalamatan din ni Pinky ang buong medical team na nag-alaga kay Aquino dahil pinangala­gaan nila ang privacy nito.

 

 

Para sa Aquino sisters, nagawa ni PNoy kahit paano ang inaasahan ng publiko.

 

 

Nagpasalamat naman si Kris Aquino kay Pangu­long Duterte sa pagpapaabot nito ng pakikiramay. (Daris Jose)

Other News
  • Nag-negatibo na sa RT-PCR test para sa Covid-19

    IBINALITA ni Presidential Spokesman Harry Roque na nag-negatibo na siya sa Reverse transcription polymerase chain reaction (RT-PCR)  test at nakompleto na niya ang kanyang 2-week quarantine para sa COVID-19 matapos na mahawaan.   Matatandaang, nito lamang Marso 15 ay inanunsyo ni Sec. Roque na nagpositibo siya sa COVID-19. Isa aniya siyang asymptomatic.   Sinabi ni […]

  • Mga manufacturer ng sardinas, meat loaf, corned beef, sabon, kape humirit ng dagdag presyo sa mga produkto

    HUMIRIT  ang mga manufacturer ng  sardinas, meat loaf, corned beef, kape at sabon sa Department of Trade and Industry (DTI) na taasan ang presyo ng mga nasabing produkto. Sa katunayan, nakatanggap ang DTI ng notice of price adjustment mula sa mga ito. Ayon sa departamento, masusi nilang pinag-aaralan  ang bagay na ito. Pagsusumikapan nila na […]

  • Pinas, handa na sa pagtanggap ng mga fully vaxxed foreign tourists-DOT

    HANDA na ang Pilipinas na tumanggap ng mga fully vaccinated international travelers simula sa Pebrero 10, 2022.     Sinabi ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat na naghahanda na ang sektor para sa kaganapang ito simula nang isara ang mga borders noong 2020.     Dalawang taon sa pandemya, sinabi ni Puyat na karamihan sa mga […]