Mister na wanted sa kidnapping sa Caloocan, timbog
- Published on December 1, 2023
- by @peoplesbalita
MAKALIPAS ang mahigit 19 taon, bumagsak na sa kamay ng mga awtoridad ang isang mister na wanted sa kaso ng kidnapping sa isang menor-de-edad matapos maaresto ng pulisya sa ilegal na droga sa Caloocan City.
Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naarestong akusado sa alyas “Michael”, 48 ng Brgy., 176, Bagong Silang.
Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, sinabi ni Col. Lacuesta na nakatanggap ng impormasyon Station Intelligence Section (SIS) ng Caloocan police na kasalukuyang nakakulong sa Caloocan City Jail (CCJ) ang akusado na wanted sa kasong kidnapping matapos maaresto sa illegal na droga.
Katuwang ang Northern NCR Maritime Police Station, kaagad nagsagawa ng joint manhunt operation kontra wanted persons ang SIS sa pangunguna ni P/Cpt. Ronald Allan Soriano na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusado dakong alas-2:00 ng hapon.
Ani SIS chief P/Major John David Chua, isinilbi nila sa akusado sa loob ng CCJ facility sa Talimusak, Kaunlaran Village ang warrant of arrest na inisyu ni Caloocan City Regional Trial Court (RTC) Branch 130 Judge Jaime T. Hamoy noong June 23, 2004, para sa kasong Kidnapping of Minor in relation to R.A. 7610 with Ransom under Article 267 of the Revised Penal Code.
Pinapurihan naman ni BGen. Gapas ang Caloocan police sa pamumuno ni Col. Lacuesta dahil sa kanilang pinaigting na manhunt operation kontra wanted persons na nagresulta sa pagkakahuli sa akusado. (Richard Mesa)
-
PBBM, umapela sa labor sector na tiyakin ang episyenteng pagpapatupad ng TPB plan
UMAPELA si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa sektor ng paggawa na tiyakin na episyente ang implementasyon ng Trabaho Para sa Bayan (TPB) plan, makatutulong na makalikha ng 3 milyong bagong trabaho sa 2028. Sa idinaos na kauna-unahang 2024 National Employment Summit sa Maynila, sinabi ni Pangulong Marcos na ang TPB ay isang […]
-
Iiwasan na lang kung sakaling nagkita sila… CLAUDINE, itinangging siya ang dahilan kung bakit wala si JODI sa tribute para kay Mr. M
ITINANGGI ni Claudine Barretto ang isyung siya raw ang dahilan kung bakit wala si Jodi Sta.Maria sa ginanap na tribute para kay Mr. Johnny Manahan. Paliwanag ni Claudine na wala raw talaga siyang kinalaman sa hindi pagsipot ng kapwa niya mga alaga dati ni Mr. M. Ayon pa rin sa aktres na kilalang very […]
-
Yorme Isko nasa Top 3 ng mga lalaking hinahangaan sa buong bansa
ISANG malaking karangalan, hindi lamang sa mga mamamayan ng lungsod ng Maynila kundi sa buong bansa, ang pagkakabilang ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso bilang isa sa mga lalaki at babaing hinahangaan sa Pilipinas. Tanging si Mayor Isko Moreno lamang mula sa mga halal na alkalde sa buong kapuluan ng bansa ang napabilang sa […]