• April 25, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mister na wanted sa multiple heinous crimes sa Valenzuela, tiklo

LAGLAG sa selda ang isang lalaki na wanted sa multiple heinous crimes matapos masakote ng pulisya sa ikinasang manhunt operation sa Valenzuela City.

 

 

Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) ActinG Director P/Col. Josefino Ligan, sinabi ni Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban na nakatanggap sila ng impormasyon na naispatan sa Paso De Blas ang 40-anyos na akusado na kabilang sa mga Most Wanted Person sa lungsod.

 

 

 

Bumuo ng team ang Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Valenzuela poliuce, kasama ang Northern NCR Maritime Police Station saka ikinasa ang joint operation na nagresulta sa pagkakadakip sa akusado dakong alas-10:40 ng umaga sa Bonifacio Compound, Paso De Blas.

 

 

Ang akusado ay binitbit ng pulisya sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Mateo B. Altarejos ng Family Court Branch 16, Valenzuela City, noong December 13, 2024, para sa kasong Statutory Rape under Article 266-A, paragraph 1(D) of the Revised Penal Code (RPC), as amended by R.A. 11648 in relation to Section 5(b) of R.A. 7610, at Acts of Lasciviousness (4 counts) na walang inirekomendang piyansa.

 

Pinuri naman ni Col. Ligan ang walang sawang pagsisikap ng Valenzuela police at ng mga opisyal na sangkot sa operasyon.

 

“The NPD remains committed to fostering safer neighborhoods in the CAMANAVA area. Guided by the principles of transparency, professionalism, and public trust, we will continue our relentless campaign to maintain peace and order,” pahayag niya.

 

Pansamantalang nakapiit ang akusado sa custodial facility unit ng Valenzuela police habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa korte para sa paglilipat sa kanya sa City Jail. (Richard Mesa)

Other News
  • Yee: Hindi pagresbak ang panalo namin sa Knights

    HINDI itinuturing na pagresbak ng ex-pro na si Mark Yee ng Davao Occidental Tigers Cocolife ang pagbulaga sa San Juan Knights Go For Gold sa apat na laro upang mapanalunan ang natapos nitong Linggo, Marso 21 na 3rd Maharlika Pilipinas Basketball LeagueLakan Cup 2019-20 National Championsip sa Subic Bay Gym bubble sa Zambales..     […]

  • Kaya naging mas masaya ang Bagong Taon: Ika-apat na anak nina ALFRED at YASMINE, isinilang pagkatapos ng Pasko

    NAGING mas masaya ang pagsalubong ng Bagong Taon ng pamilya ni Konsehal Alfred Vargas dahil kasama nila ang ika-apat na anak na si Aurora Sofia.   Maayos itong isinilang ng asawa niyang si Yasmine Espiritu-Vargas noong December 26, isang araw pagkatapos ng Pasko.   Sa Instagram post, makikita sa larawan ni Yasmine na nasa hospital […]

  • Mamamayan, pinag-iingat ng CBCP sa tag-ulan

    MULING hinikayat ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Health Care ang publiko na panatilihin ang kalinisan ng kapaligiran ngayong tag-ulan.     Ayon kay CBCP-ECHC executive secretary, Camillian Fr. Rodolfo Vicente “Dan” Cancino, na ngayong tag-ulan ay inaasahan na rin ang unti-unting pagpasok ng La Niña Phenomenon kung saan higit na mararanasan […]