Yee: Hindi pagresbak ang panalo namin sa Knights
- Published on March 24, 2021
- by @peoplesbalita
HINDI itinuturing na pagresbak ng ex-pro na si Mark Yee ng Davao Occidental Tigers Cocolife ang pagbulaga sa San Juan Knights Go For Gold sa apat na laro upang mapanalunan ang natapos nitong Linggo, Marso 21 na 3rd Maharlika Pilipinas Basketball LeagueLakan Cup 2019-20 National Championsip sa Subic Bay Gym bubble sa Zambales..
“Hindi naman siguro bawi. Sa amin, naging gutom lang kami saka naging humble kami lagi, kasi nga hindi naman talaga namin intensyon kung sino ang makalaban namin. Focus lang kami. Basta ang goal namin kunin ang championship,” bulalas ng 39 na taong-gulang, tubong Sagay City at 6-3 forward team skipper.
Bukod sa titulo, hinirang si Yee na Game 4 best player, Finals Most Valuable Player, Best Defensive Player of the Year at kabilang sa Mythical First Team.
Ang triple niya sa endgame ang bumulilyaso sa Knights na makapuwersa pa ng winner-take-all Game Five makaraang talunin sila ng Metro Manila-based squad sa Davao sa national championship game five din sa second season ng semi-professional league. (REC)
-
Four-day work week sa mga empleyado ng SC, ipatutupad na simula April 4
IPAPATUPAD na simula sa April 4 ang four-day work week para sa mga emplyeado ng Korte Surprema, kung saan ay pisikal na magtatrabaho ang mga ito sa kanilang opisina sa loob ng apat na araw habang nasa work from home set up naman ang mga ito sa loob ng isang araw. Alinsunod sa […]
-
IKA-2 SWAB TESTING SA BUBBLE NEGATIBO MULI
MULING nagnegatibo lahat ang resulta sa huling swab tesing ng 12 teams na nasa 45 th Philippine Basketball Association (PBA) 2020 Philippine Cup eliminations bubble sa Angeles, Pampanga. Ang Clark Development Corporation (CDC) ang namahala sa second round tests para sa coronavirus disease na isinagawa sa nakaraang linggo. May 10 araw na ang […]
-
Most wanted person, nasilo sa Valenzuela
ISANG 57-anyos na mister na listed bilang most wanted ang nasakote sa isinagawang manhunt operation ng pulisya sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon. Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr ang naarestong akusado bilang si Primitivo Sardoma, 57 ng No. 59 B. Elysian Subdivision, Brgy. Marulas. Sa ulat ni […]