• December 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Misunderstanding ng Simbahan, plantsado na

PLANTSADO na ang maliit na misunderstanding ng Malakanyang at Simbahan na nag-ugat sa pastoral letter na inisyu ng pamunuan ng Simbahang Katolika ukol sa pagpapahintulot nitong makapagsimba ang kanilang miyembro ng hanggang 10% capacity.

 

Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, pumagitna na kasi si DOJ Secretary Menardo Guevarra kaya’t nagkaliwanagan ang magkabilang panig.

 

Tiniyak ng Kalihim na wala ng problema.

 

Sinabi ni Sec. Roque na si Guevarra bilang nakatalagang makipag-ugnayan sa mga religious groups ay nagsabi na ang stand ng Simbahang Katolika ay ang sumunod sa IATF Resolution na wala munang mass gathering kasama na ang alinmang religuous activity.

 

“Wala pong problema diyan kasi ang Simbahang Katolika nagsasalita po sa pamamagitan ng CBCP. Narinig ko po, tinanong po sa akin ng isang media, hindi ko naman nakita kung ano iyong pastoral letter na iyon na mayroong isang Bishop lang na nagsasabi na susuwayin at magti-ten percent daw sila,” anito.

 

Kung tutuusin aniya ay wala naman talagang dapat na maging problema gayung nakasulat naman aniya sa Biblia na kailangan ding magpasakop o sumunod sa mga napili ng Panginoon na mamuno na ang tinutukoy ay ang gobyerno.

 

Aniya, kung papahintulutan daw kasi kahit 10 percent lang ang laman ng simbahan ay lalabas din sa kabilang banda na ang pagkukumpol – kumpulan ay mangyayari sa labas kaya sumat- total ay parang bale wala rin.

 

“Pero kahapon, nakakuha po ako ng text galing kay Secretary Meynard Guevarra dahil siya po ang assigned na makipag-coordinate sa ating mga religious groups, eh sabi niya wala raw pong problema at nilinaw na, na ang stand ng Simbahang Katolika ay susunod sila sa IATF Resolution.

 

So, wala pong problema kasi talaga namang maski sa Bibliya nakasulat iyan ‘no na kinakailangan sumunod doon sa mga napili ng Panginoon na mamuno,” lahad ni Sec. Roque. (Daris Jose)

Other News
  • 12.2 milyong Pinoy, jobless sa first quarter ng 2021 – SWS

    Tinatayang 12.2 milyong Pinoy ang walang trabaho sa unang quarter ng 2021 sa panahong nararanasan ng bansa ang pandemic.     Batay sa SWS survey, 25.8 percent ng adult labor force ay nananatiling walang trabaho pero mas mababa ng may 1.5 percent mula sa 27.3% o 12.7 milyong Pinoy na jobless noong huling quarter ng […]

  • $672 milyong investment pledges nakuha ni PBBM sa APEC trip

    NAKAKUHA  nang mahigit $672,300,000 mga pangakong pamumuhunan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.  mula sa iba’t ibang sektor sa kanyang matagumpay na paglahok sa 30th Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Economic Leaders’ Meeting sa San Francisco, California noong nakaraang linggo.     Kabilang sa mga investment pledges na nakuha ng Pangulo ay may kinalaman sa teknolohiya, internet […]

  • Philhealth, planong subukan ang bagong payment scheme para sa kanilang mga primary care providers

    INANUNSYO  ng Philippine Health Insurance Corp. (Philhealth) na magsasagawa sila ng pilot testing sa susunod na buwan para sa kanilang ipatutupad na bagong payment scheme sa kanilang mga accredited primary care providers.     Sa ilalim ng programang ito, makakatanggap na ng pondo ang mga primary care providers mula sa gobyerno kahit hindi pa naa-avail […]