Miyembro ng criminal gang, tiklo sa entrapment ops sa Caloocan
- Published on April 17, 2024
- by @peoplesbalita
LAGLAG sa selda ang isang miyembro ng ‘Dacallos Criminal’ gang na sangkot umano sa illegal na pagbebenta ng baril matapos matimbog ng pulisya sa entrapment operation sa Caloocan City.
Ayon kay Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta, nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Station Intelligence Section (SIS) hinggil sa umano’y iligal na pagbebenta ng baril ng suspek na si alyas “Kwatog”, 23, ng Brgy. 176, Bagong Silang kaya isinailalim nila ito sa validation.
Nang positibo ang ulat, ikinasa ng SIS, kasama ang NDIT, RIUNCR IG at Northern NCR Maritime Police Station ang entrapment operation na nagresulta sa pagkakaaesto kay ‘Kwatog’, alas-2:30 ng madaling araw sa Tandang Sora St., Pag-asa, Brgy. 175, Camarin.
Ani Col. Lacuesta, nakuha sa suspek ang isang cal. 38 revolver na kargado ng dalawang bala at buy bust money na isang P500 bill, kasama ang dalawang pirasong P1,000 boodle money.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunation Regulation Act. (Richard Mesa)
-
Belmonte, Sotto naghain ng reelection bid sa pagka-mayor, bise ng QC
Isang termino pa ang inaasam ngayon ng kasalukuyang alkalde’t bise alkalde ng Lungsod ng Quezon matapos nilang maghain ng kanilang kandidatura sa susunod na eleksyon sa darating na taon. Ika-5 ng Oktubre, Martes, nang maghain ng kanilang certificates of candidacy (COC) sina incumbent QC Mayor Joy Belmonte at Vice Mayor Gian Sotto para […]
-
AFPI hindi pumayag sa mungkahi ng DOTr na alisin ang cost ng beep card on top of the fare load
NADISMAYA ang Department of Transportation (DOTr) dahil sa pasya ng AF Payments, Inc., ang provider ng automatic fare collec- tion system (AFCS) sa EDSA Busway na alisin ang bayad sa beep card on top of the fare load kahit na pinakiusapan sila ng pamahalaan. Mabigat ito para sa mga commuters na umaasa lamang bilang […]
-
MAY KAPANGYARIHAN BA ang LGU na MAG-EXTEND ng PRANKISA o SPECIAL PERMIT ng PUBLIC TRANSPORT?
WALA. Ayon sa Executive Order 202, ang LTFRB ang may kapangyarigan gawin ito dahil ito ay delegated power ng Kongreso sa nasabing Ahensya. Pero paano kung ang hindi pagbigay ng prangkisa o pag extend ng special permit ay hindi nagawa ng LTFRB? May magagawa ba ang LGU para sa kapakanan ng […]