• December 26, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Miyembro ng “Legaspi Drug Criminal Group”, tiklo sa baril at shabu Navotas

KALABOSO ang isang miyembro ng “Legaspi Drug Criminal Group” matapos makuhan ng baril at shabu sa isinagawang operation ng pulisya sa Navotas City, kahapon ng madaling araw.

 

 

Kinilala ni Navotas police chief Col. Dexter Ollaging ang naarestong suspek na si Alfredo Borlongan alyas “Hill”, 32 ng S. Roldan St., Brgy. Tangos South.

 

 

Ayon kay Col. Ollaging, nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba Navotas Police Intelligence Section hinggil sa miyembro umano ng Legaspi Drug Group na naispatan sa kahabaan ng S. Roldan Street.

 

 

Kaagad nagsagawa ng operation at monitoring ang mga pulis sa pangunguna ni P/Lt. Luis Rufo hanggang sa maispatan nila ang suspek na naglalakad sa naturang lugar habang may hawak na baril na nagresulta sa pagkakaaresto sa kanya dakong alas-4:25 ng madaling araw.

 

 

Narekober sa suspek ang isang cal. 38 revolver na kargado ng tatlong bala at isang transparent plastic sachet na naglalaman ng 2.5 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P17, 000.00.

 

 

Pinuri naman ni Northern Police District (NPD) Director PBGEN Ulysses Cruz ang Navotas Police sa ilalim ng pamumuno ni Col. Ollaging dahil sa matagumpay na pagkakaaresto sa naturang miyembro ng criminal drug group.

 

 

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act Of 2002 at RA 10591 in relation to Omnibus Election Code. (Richard Mesa)

Other News
  • Sokor Pres. Yoon Suk Yeol, nasa bansa para sa 2-day state visit

    NASA Pilipinas ngayon si South Korean President Yoon Suk Yeol para sa kanyang state visit sa Pilipinas na nagkataong kasabay ng 75th anniversary ng diplomatic relations sa pagitan ng Pilipinas at South Korea.     Bahagi ng state visit ng South Korean leader ay ang kanilang magiging pagkikita ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa […]

  • Bukod sa regalo nila na ‘Mission To Venus’ watch: Pagkanta nina ZIA at SIXTO, ‘the best gift’ para kay MARIAN

    “MY everything,” ang sabi ni Kapuso Primetime Queen tuwing ipu-post niya sa social media accounts ang family, husband Kapuso Primetime King Dingdong Dantes and their two children na sina Zia at Sixto.       Labis ang kasiyahan niya na after three years ay muli siyang nakapag-celebrate ng birthday, dahil during the pandemic, tahimik lamang siyang […]

  • Pagdiriwang ng Eid’l Adha sa Sabado, Hulyo 9, regular holiday

    OPISYAL na idineklara ng Malakanyang na regular holiday sa buong bansa ang araw ng Sabado, Hulyo 9, 2022 bilang paggunita sa Eid’l Adha (Feast of Sacrifice).     Ang Eid’l Adha o Feast of Sacrifice  ay isa sa dalawang “greatest feasts” ng Islam.     Sa bisa ng Republic Act No. 9849, ang tenth day […]