• March 19, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MIYEMBRO NG PAMILYA, DAPAT MAY KASANAYAN SA FIRE SAFETY DRILLS

PINAYUHAN ang publiko ng Bureau of Fire Production (BFP) na magsanay bawat miyembro ng pamilya ng fire safety drills and procedures upang maging ligtas sakaling magkaroon ng sunog.

 

 

Sinabi ni Supt.Gerald Venezuela, hepe ng BFP Regional Fire Safety Enforcement Division,l sa  Balitaan sa Tinapayan na dapat may kaalaman ang mga kasama sa bahay ang mga paraan para maiwasan ang sunog at mga gagawin sakaling may insidente.

 

 

Ayon pa kay  Venezuela na dapat  umanong maayos ang mga gamit sa bahay tulad ng electronic devices pati ang mga saksakan  habang ang LPG naman o mga gamit panluto ay dapat nakapatay kung hindi gagamitin.

 

 

Maging ang mga susi sa mga lock ng bintana, pinto, gate at mga padlocks ay dapat na nasa isang lugar lamang at may mga nakalagay na label upang madaling makalabas sakaling may insidente ng sunog.

 

 

Sinabi pa ni Venezuela na mas magiging ligtas ang sarili sa halip na mga gamit sa bahay at siguraduhin na may mga fire exit.

 

 

Sa datos ng BFP mula Enero hanggang sa kasalukuyan, nasa 431 ang naitala nilang insidente ng sunog.

 

 

Sa nasabing bilang, 223 ang structural na kinabibilangan ng buildings at bahay habang 185 ang non-structural

 

 

Aniya, sa naitalang insidente ng sunog, 13 ang nasawi na pawang mga sibilyan at 59 ang nasugatan.

 

 

Ang naging pahayag ni Venezuela ay kaugnay na rin sa nalalapit na Fire Prevention Month sa darating na Marso. GENE ADSUARA

Other News
  • Banggaan ng 2 sasakyan pandagat, tinugunan ng PCG

    SINAKLOLOHAN ng Coast Guard Station (CGS) Central Palawan sa banggaan na kinasasangkutan ng hindi pa nakilalang sasakyang pandagat at MBCA Jerrylyn sa humigit-kumulang 12 nautical miles silangan sa Canigaran Beach, Barangay Bancao-Bancao, Puerto Princesa City, Palawan.   Sa ulat, nasagip ng Coast Guard Search and Rescue (SAR) team ang dalawang pasahero ng MBCA Jerrylyn na […]

  • 5.2 milyong pamilya, dumanas ng matinding gutom dahil sa COVID-19 – SWS

    Dumanas ng matinding kagutuman ang may 5.2 milyong pamilyang Pilipino sa nagdaang tatlong buwan dahil sa COVID-19 pandemic.   Ayon sa Social Weather Station (SWS) survey, sa 1,555 adult Filipinos na tinanong, 20.9 percent ang nagsabing sila ay nagutom dahil wala silang makain.   Ang bilang ang pinakamataas simula noong September 2014 nang 22 percent […]

  • 119th founding anniversary ng Navotas, “NavLevel Up”

    KASADO ang mga paghahanda ng Navotas City sa isang kapana-panabik na serye ng mga aktibidad mula Enero 6 hanggang 26, 2025, na nakasentro sa temang “NavLevel Up!” para itaas ang mga programa at serbisyo ng lungsod upang mas mapagsilbihan ang bawat Navoteño.  “Ang ‘NavLevel Up!’ ay hindi lamang tema kundi isang panata natin na ipagpatuloy […]