• June 8, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MM, extended sa ilalim ng GCQ hanggang Enero 31, 2021

PINALAWIG ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang General Community Quarantine ang Metro Manila ng hanggang Enero 31, 2021.

Bukod sa MM, isinailalim din sa GCQ ang Santiago City in Isabela, Batangas, Iloilo, Tacloban, Lanao del Sur, Iligan City, Davao City at Davao del Norte.

Ang nalalabing bahagi ng bansa ay nasa ilalim naman ng modified GCQ.

Samantala, hinikayat naman ni Pangulong Duterte ang mga Filipino na manatili sa kanilang bahay kung hindi naman kinakailangan na lumabas.

“The rule is kung maaaring hindi ka lumabas ng bahay, ‘wag ka na lumabas. Kung marami kang utang, ‘wag kang lumabas talaga mas lalo na. Kung mayroon kang inano na anak na babae na niloko mo, ‘wag ka rin lumabas talaga so it’s a stay home if it’s really possible, kung kaya mo lang. It’s for your own good and the washing of hands,” ayon sa Pangulo. (Daris Jose)

Other News
  • Commuters, motorcycle taxi drivers panalo sa Grab-MoveIt deal – consumer group

    PINURI  ng isang consumer group ang pakikipagtambalan ng Grab Philippines sa motorcycle taxi firm na MoveIt dahil anito’y makatutulong ito upang lalong maibsan ang paghihirap sa pagbibiyahe ng mga Pinoy commuter, lalo na sa Metro Manila.     Ayon sa Bantay Konsyumer, Kalsada, Kur­yente (BK3), ang investment deal sa pagitan ng Grab at MoveIt ay […]

  • Fil-HK venture nanalo sa bidding ng P24B tunnel deal

    ISANG Fil-HK venture ang nanalo sa P24 billion na tunnel deal na gagamitin sa pagtatayo upang pagdugtungin ang North-South Commuter Railway (NSCR) at Metro Manila Subway Project (MMSP).       Isang notice of award mula sa Department of Transportation (DOTr) ang binigay para sa Contract Package (CP) S-03B ng NSCR sa joint venture ng […]

  • Ads March 22, 2022