• April 15, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MM, maaaring ibalik sa MECQ

MAAARING ibalik ang Metro Manila sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) kapag ang kaso ng COVID-19 sa bansa ay umabot sa 85,000 gaya ng pinroject ng mga eksperto mula sa University of the Philippines (UP).

“That’s a distinct possibility, although it’s a possibility that I wish would not happen,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

Pumiyok si Sec. Roque, hindi na kakayanin pa ng ekonomiya ang panibagong shutdown, subalit “if we have to and there’s no alternative, we need to do it.”

“So, ang sinasabi nga natin, dapat ingatan ang ating mga katawan para tayo po ay magkaroon ng hanapbuhay,” dagdag na pahayag nito.

“I’m confident that the Filipinos actually will cooperate to an even greater degree than they have shown. Yesterday, I announced that we’re second in the world as far as wearing face masks is concerned, and that shows that the Filipinos will cooperate when they have to,” aniya pa rin.

Ang National Capital Region, ay nasa ilalim ng MECQ mula Mayo 16 hanggang 31, na ngayon naman ay nasa ilalim ng General Community Quarantine.(Daris Jose)

Other News
  • 90 day extension ng SIM card registration, inaprubahan ni PBBM

    INAPRUBAHAN ni Pangulong  Ferdinand Marcos Jr. ang  90-day extension ng SIM card registration.     Nakatakdang magtapos kasi sa Abril 26, 2023 o ito kasi ang  deadline ng pagpaparehistro ng SIM card ng mga subscriber.     Sa Facebook page ng Radio Television Malacañang (RTVM), nakasaad dito na “Failure to register within the given period […]

  • DoH, naglaan ng P31 million na halaga ng gamot at mga supplies para sa tinamaan ng bagyong Paeng

    KINUMPIRMA ng Department of Health (DoH) na naka-preposition na ang nasa P31,063,736.14 na halaga ng gamot at medical supplies at iba pang mga commodities sa mga rehiyon na labis na naapektuhan ng Severe Tropical Storm Paeng. Sinabi ng departamento na ang mga suplay ay dinala na sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Calabarzon, […]

  • Pamahalaang Panlalawigan, SMC, pagtutugmain ang mga proyektong pangkaunlaran sa lalawigan

    LUNGSOD NG MALOLOS, BULACAN- Upang talakayin ang mga kasalukuyan at panghinaharap na proyekto sa lalawigan, nakipagpulong si Gobernador Daniel R. Fernando kay San Miguel Corporation (SMC) President at Chief Executive Officer Ramon S. Ang noong Lunes.     Kabilang sa mga paksa na inihain sa hapag ang pagiging accessible ng itinatayong New Manila International Airport […]