MM, mahihirapan ng manatili sa ilalim ng MECQ-Sec. Roque
- Published on August 13, 2020
- by @peoplesbalita
SINABI ni Presidential spokesperson Harry Roque na mahihirapan ng manatili sa ilalim ng modified enhanced community quarantine (mecq) ang Metro Manila pagkatapos ng Agosto 18.
Ito’y dahil, patuloy na nauubos na ang resources ng pamahalaan para tugunan ang coronavirus pandemic.
“The government no longer has resources to provide aid to poor families in the capital region and neighboring economic hubs should the strict lockdown be extended,: ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.
Giit ni Sec. Roque na sa tingin niya ay mahihirapang manatili sa MECQ ang bansa dahil nga wala ng pang-ayuda ang gobyerno,
“Ano naman ang gagawin natin sa ating mga kababayan kung hindi sila pupwedeng magtrabaho at wala ng pang-ayuda?” diing pahayag ni Sec. Roque.
Matatandaang, noong Agosto 4 ay ibinalik ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa mecq ang National Capital Region (NCR) at mga karatig- lalawigan gaya ng Bulacan, Laguna, Cavite, at Rizal makaraang umapela at sumigaw ng ‘timeout’ ang mga health workers bunsod ng patuloy na pagsirit ng COVID-19 cases sa bansa.
Pagkakataon din ito para sa pamahalaan para i-recalibrate ang COVID-19 pandemic response strategy ng gobyerno.
At habang nasa MECQ ay inaasahan na matutulungan ang pagbagal ng pagkalat ng virus at inaasahan din na mababago nito ang kabuhayan ng mga Filipino lalo pa’t 70 porsiyento ng ekonomiya ay naka-base sa capital region at sa mga nakapalibot na lalawigan.
“Bottom line is wala na tayong pang-ayuda,” ayon kay Sec. Roque.
Samantala, mayorya ng bahagi ng Pilipinas ay isinailalim sa quarantine simula pa noong mid-March para mapabagal ang pagkalat ng COVID-19, na naunang naitala sa bansa noong Enero 30 kung saan ay may isang babae ang dumating sa bansa mula Wuhan, China kung saan pinaniniwalaang unang nagkaroon ng sakit.
Sa kabila ng pagpapatupad ng isa sa pinakamahigpit at pinakamahabang lockdowns sa buong mundo, ang Pilipinas ay patuloy na nakikipagpambuno sa pagsirit ng infections. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
May pagkakaiba ba ang “Single Parent” sa “Solo Parent”?
OPO. Ang mga kinukunsidera na solo parent ay naka-enumerate sa batas R.A. 8972 Solo Parent Welfare Act. May amendment sa batas na ito ang Senate Bill 1411 kaya’t pag ganap nang batas, may mga madadagdagan na klase ng Solo Parents. Maraming Single Parents ay maituturing sa Solo Parents kung ang kanilang […]
-
‘Cease and desist’ vs MRT 7, binawi ni Belmonte
BINAWI na ni QC Mayor Joy Belmonte ang inisyung ‘cease and desist order’ sa ‘above ground construction’ ng Metro Rail Transit (MRT) 7 sa Quezon Memorial Circle station matapos na maplantsa ang mga usapin. Ayon kay Belmonte, sa pulong ng mga opisyal ng QC Local Government Unit (LGU), EEI Corporation, San Miguel Corporation, Department […]
-
6 arestado sa sugal at shabu sa Malabon
Arestado ang anim na sugarol kabilang ang apat na babae matapos makuhanan ng shabu sa isinagawang anti-illegal gambling operation ng pulisya sa Malabon city. Kinilala ni Malabon police chief Col. Albert Barot ang naarestong mga suspek na sina Joel Mahusay, 43, (user), Benjamin Dela Cruz, 22, garbage trader, Jean Rose Almonte, 21, Elsie […]