• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MM mayors nagkasundo na huwag nang gawing mandatory ang face shield – Abalos

Nagkasundo na ang mga alkalde sa National Capital Region (NCR) na gawin na lamang optional ang pagsusuot ng face shields, ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos.

 

 

Sa isang panayam, sinabi ni Abalos na sa mga ospital, health centers, at public transportation na lamang nais ng mga Metro Manila mayors gawing mandatory ang pagsusuot ng face shields.

 

 

Kaya naman iginiit ni Abalos na suportado nila ang mungkahi ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año na huwag nang obligahin ang mga tao sa pagsusuot ng face shields sa ilang lugar.

 

 

Ngayong araw, sinimulan na ng Manila City government ang hindi pag-oobliga sa mga papasok sa lungsod nang pagsuot ng face shield base na rin sa ilalim ng executive order na inilabas at nilagdaan ni Mayor Isko Moreno.

 

 

Nakasaad sa naturang kautusan na mananatili namang mandatory ang pagsuot ng face shield sa hospital settings, medical clinics, at iba pang medical facilities.

 

 

Tinukoy ng alkalde ang paglalagay sa Metro Manila sa ilalim ng Alert Level 2 at mga ulat na karamihan sa mga miyembro ng IATF ang nais nang ibasura ang kautusan sa pagsusuot ng face shield. (Daris Jose)

Other News
  • Protocols, ‘di nasunod ng mga pulis sa drug war ops sa Phl – DoJ

    Aminado si Justice Sec. Menardo Guevarra na hindi raw nasunod ng ilang pulis ang operations sa kanilang isinasagawang drug operations kaugnay pa rin ng kampanya ng pamahalaan kontra sa iligal na droga.     Sa report ni Justice Secretary Menardo Guevarra sa United Nations Human Rights Council (UNHRC), marami umong “nanlaban” cases ay hindi dumaan […]

  • Pamahalaan naghahanap pa ng ibang rail financing mula sa ibang bansa

    NAGHAHANAP pa ng ibang rail financing sources ang pamahalaan mula sa ibang bansa matapos magbigay ng exorbitant rates sa interest ang bansang China.     Samantala patuloy na nakikipag negotiate pa rin naman ang pamahalaan sa bansang China para sa mga proyekto sa railways habang naghahanap na rin ng ibang funding sources ang Pilipinas.   […]

  • Na-diagnose na may lung cancer, kaya gustong tulungan: JOHN, nagsimula ng fund-raising project para sa dating writer ng ‘Goin’ Bulilit’

    DAHIL marami na ang nakakapanood ng historical portal fantasy series na Maria Clara At Ibarra ng GMA-7 kaya naman ang mga Pinoy na naka-base sa ibang bansa ay hinihiling na lagyan ng English subtitles ang bawa’t episodes kapag pinapanood nila ito sa YouTube.   At hindi lang kasi mga Pinoy kundi pati foreigners na tumututok […]