• June 14, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Protocols, ‘di nasunod ng mga pulis sa drug war ops sa Phl – DoJ

Aminado si Justice Sec. Menardo Guevarra na hindi raw nasunod ng ilang pulis ang operations sa kanilang isinasagawang drug operations kaugnay pa rin ng kampanya ng pamahalaan kontra sa iligal na droga.

 

 

Sa report ni Justice Secretary Menardo Guevarra sa United Nations Human Rights Council (UNHRC), marami umong “nanlaban” cases ay hindi dumaan sa full examination ang mga narekober na armas at walang verification kung sino ang nagmamay-ari nito.

 

 

Wala rin umanong request para sa ballistic examination o paraffin test hanggang sa ito ay makumpleto.

 

 

Kung maalala Hunyo noong nakaraang taon nang ihayag ni Guevarra sa UNHRC sa isinagawang ika-44 session sa Geneva, Switzerland kaugnany ng pagbuo ng Department of Justice (DoJ) ng inter-agency panel magsasagawa ng review sa 5,600 police anti-drug operations mula noong 2016.

 

 

“Our initial and preliminary findings confirm that in many of these cases, law enforcement agents asserted that the subject of the anti- drug operations resisted arrest or attempted to draw a weapon and fight back. Yet no full examination of the weapon recovered was conducted, no verification of its ownership undertaken, and no request for ballistic examination or paraffin test was pursued until its completion. It was also noted, among others, that in more than half of the records reviewed, the law enforcement agents involved failed to follow standard protocols pertaining to coordination with other agencies and processing of the crime scene. It is now the immediate task of the review panel to ensure that these recommendations have been acted upon and carried out by the proper disciplinary authorities, and that measures are adopted to avoid loss of lives during legitimate law enforcement operations against illegal drugs,” ani Guevarra.

 

 

Sinabi ni Guevarra sa ika-46 UNHRC session na ang contingent mula sa DoJ ay na-examine na ang mga available records sa ilang key areas at cities kung saan nanggaling ang mga namatay habang isinasagawa ang illegal drug operations.

 

 

Kasama sa areas ang Bulacan, kabilang ang City San Jose del Monte; Cavite, kasama ang Bacoor City at bahagi ng National Capital Region. (Daris Jose)

Other News
  • Dwayne Johnson Recreates Iconic Black Adam Comics Cover For DCEU Movie

    DWAYNE Johnson recreates and iconic Black Adam comic cover in new photo.   The upcoming, hotly-anticipated DC Extended Universe movie marks the superhero debut of Johnson, who has been attached to play the titular anti-hero since 2014. Originally, the plan was for Johnson to appear as a villain in Shazam!, but his character was later […]

  • Libreng face mask, nais ni PDu30 na ibigay sa mga mamamayang Pinoy

    SINABI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na nais niyang bigyan ng pamahalaan ng libreng face mask ang mga mamamayan upang matiyak na susunod ang mga ito sa COVID-19 safety protocols.   “Let me explain to the people in simple terms. Iyong bakuna — it’s the mask. Eh iilang gamit lang ‘yan. But iyong iba lumang-luma eh isang […]

  • Galit daw ang ina ni Elisse kaya ‘di inimbita: McCOY, hindi nakapunta sa surprise birthday party ng anak

    WHAT this we heard na nagkakatampuhan daw ngayon ang magkaparehang sina Elisse Joson at McCoy De Leon.  Hindi raw kasi dumating ang huli sa surprise birthday celebration ng una. In fairness ang mommy ni Elisse ang lahat ng may plano sa nabanggit na pa surpresa para sa kaarawan ng anak. Inimbitahan daw ng ina ni […]