MM mayors, patuloy na inihihirit ang GCQ
- Published on July 16, 2020
- by @peoplesbalita
PATULOY na inihihirit ng mga Metro Manila Mayors na manatili sa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) ang kani-kanilang mga nasasakupan.
Ito ang sinabi ni National Task Force on COVID 19 Chief Implementer Secretary Carlito Galvez base na rin sa kanilang pakikipag- usap sa mga Mayor dito sa NCR.
Base sa inilatag na rekomendasyon ng mga Alkalde sa Kalakhang Maynila, sinabi ni Galvez na binabalanse rin kasi ng mga Local Chief Executives sa kabilang banda ang patungkol sa ekonomiya.
Naiintindihan din naman aniya ito ng national government gayung una na ring nabanggit ng Department of Finance na nasa tipping point na ang ekonomiya at mas mahirap na sitwasyon ang kakaharapin kapag hindi maka- recover ang kalakalan.
Magkagayon man ay inihayag ni Galvez na pag-uusapan pa nila sa IATF ang suhestiyon ng mga punong bayan sa Kamaynilaan na tila kumikilos “as one for all … all for one.”
-
Esteban maghahandog ng tablet sa mga estudyante
KUMAKATOK sa may mabubuting puso si national fencer Maxine Isabel Esteban na tulungan siyang makailak ng pondo para sa mga batang mag-aaral ngayong may Covid-19 pandemic pa rin Isinalaysay ng 30th Southeast Asian Games Philippines 2019 women’s fencing bronze medalist ang kanyang sinimulang fundraising sa kanyang kaarawan nitong Huwebes para makapagkaloob ng Android tablets sa […]
-
Paglipat ni LOVI sa ABS-CBN, malaking factor ang gagawing serye with PIOLO
ILAN sa lumalabas na balita kung bakit daw lumipat ng ABS-CBN si Lovi Poe mula sa GMA-7, nandiyang hindi na ito ni-renew ng Kapuso network. Meron din na hindi raw ito pumayag dahil mas mababa ang offer sa renewal of contract niya, kumpara sa nakaraan. Pero ano man ang dahilan, siguro […]
-
Oportunidad na mabakunahan, ‘wag sayangin’- Bong Go
Ipinaalala ni Senator Christopher “Bong” Go sa mga natukoy nang sektor na kabilang sa A1 hanggang A3 vaccine priority categories na magpabakuna sa lalong madaling panahon kung kinakailangan at huwag sayangin ang nasabing oportunidad upang matulungan ang bansa na maabot ang herd immunity at mapalakas ang vaccine rollout. Sinabi ni Go na kapag […]