• December 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MMDA: 1-2 a.m., deadliest hour sa mga kalsada sa NCR

NAGANAP ang mga aksidenteng nakamamatay sa Metro Manila noong 2019 sa oras na ala-1:00 ng madaling araw hanggang alas-2:00 ng madaling araw, hango sa datos ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

 

Ito ay batay sa hourly accident tally ng Metro Manila Accident Reporting and Analysis System.

 

Sa kabila ng magaang daloy ng trapiko ang nararanasan sa naturang oras, iginiit ng MMDA na ang mga drayber ay posibleng pagod o inaantok.

 

Noong 2019, naitala ng MMDA ang 8,593 road accidents simula 1:00 a.m. hanggang 5:00 a.m. kung saan 111 dito ang nasawi.

 

Iginiit din ng MMDA na ang 33 namamatay ay nasa pagitan ng oras ng 1 a.m. at 2 a.m.

 

Sa datos naman ng Philippine National Police – Highway Patrol Group (PNP-HPG), 90% of road accidents were due to ng aksidente sa daan ay dahil sa human error.

 

Samantala, isinusulong ni Bagong Henerasyon Rep. Bernadette Herrera ang panukala upang maglagay ng dashboard camera, closed circuit television (CCTV), at global positioning system (GPS) sa lahat ng pampublikong transportasyon.

 

Sa House Bill 3341 ni Herrera, inoobliga ang mga public utility vehicles (PUVs) at Transportation Network Vehicle Service (TNVS) tulad ng GRAB na maglagay ng dashboard cameras, CCTV at GPS bilang pagtugon sa standard safety equipment para mapangalagaan ang riding public.

 

Tinukoy ni Herrera ang maraming insidente at krimen na kinasangkutan ng mga pampublikong sasakyan tulad ng pagnanakaw, kidnapping, rape, sexual assault, harassment at murder.

 

Naniniwala ang kongresista na sa paglalagay ng mga safety equipment ay magagarantiya ang kaligtasan ng mga mananakay gayundin ang mga pedestrian at motorista.

 

Malaking tulong ang mga instrumentong ito para mai-dokumento at mai-record ang mga insidente na kinasangkutan sa kalsada gayundin sa loob ng sasakyan.

 

Nakasaad din sa panukala ang pagkakaroon ng special loaning program kung saan maaaring pautangin ang mga public transport operators at companies para makabili ng mga nabanggit na safety devices. (Ara Romero)

Other News
  • PBBM, hindi nagpahuli: Kuwentong kababalaghan sa Palasyo ng Malakanyang, inalala si Father Brown, gumagalaw na mga upuan

    HINDI nagpahuli si Pangulong  Ferdinand Marcos Jr. na ibahagi ang mga  Halloween  ghost stories na naranasan at nangyayari sa Palasyo ng Malakanyang.  Sa Facebook video, inalala ng Pangulo ang pangyayari noong siya ay bata pa at ang kanyang ama ang Pangulo ng Pilipinas noong panahon na iyon. Aniya, nasa isa siya sa guest rooms malapit […]

  • TIANGCO BROTHERS NAKATANGGAP NG OUTSTANDING PUBLIC SERVANTS AWARD MULA SA RPMD

    TUMANGGAP ng recognition sina Navotas Mayor John Rey Tiangco at Representative Toby Tiangco bilang 2023 Outstanding Public Servants mula sa RP-Mission and Development Foundation, Inc. (RPMD).     Nabanggit ng RPMD na ang parangal ay magsisilbi bilang isang “direct reflection of the unwavering support and resounding endorsement from the constituents of Navotas City, who have voiced their […]

  • Matindi ang mga fight scenes nila ni Paul, kaya nagkasakitan: RURU, pinangarap na maging action star kaya handa sa pwedeng mangyari

    WALA raw contest na namamagitan kina Ruru Madrid at Paul Salas sa pagandahan ng katawan sa social media.     Ayon sa dalawang stars ng Lolong, paraan lang daw nila para mag-relax ang mag-post ng videos nila sa Instagram at Tiktok. Iba raw kasi ang feeling kapag nasa lock-in taping kaya gusto rin daw nilang […]