• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MMDA, binasura ang expanded number coding plan sa gitna ng oil price hike

PARA sa Metro Manila Development Authority (MMDA) walang pangangailangan na palawakin ang kasalukuyang number coding scheme kasabay ng patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo dahilan naman ng pagkabawas sa bilang ng mga sasakyan sa mga pangunahing lansangan.

 

 

Sinabi ni MMDA Chairman Rolando Artes na habang ang mga sasakyan sa  EDSA ay umabot na sa  “above”  pre-pandemic levels na  417,000 noong Mayo 5. Bumaba na ito sa 390,000 “as of this week.”

 

 

“Sa ngayon, wala tayong plano na magpatupad ng expanded number coding scheme dahil nakikita namin na walang pangangailangan sa ngayon dahil patuloy na nababawasan ang bilang ng sasakyan sa ating lansangan,” ayon kay  Artes.

 

 

“Iiwan na natin ‘yan sa susunod na administrasyon na mag-decide kung kailan na i-eexpand ang number coding scheme. Sa ngayon, mananatili ang present number coding scheme,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Sa ulat, simula sa araw ng Martes, ang halaga ng diesel ay tumaas ng P3.10 Kada litro habang ang presyo naman ng kerosene ay tumaas ng  P1.70.

 

 

Ang presyo ng diesel ay tumaas ng  mahigit sa P13 sa nakalipas na tatlong linggo, ang halaga ng  diesel ay tumaas ng P4.30 noong nakaraang linggo.

 

 

May ilang  public transport drivers ang nagbanta na suspendihin ang kanilang operasyon sa gitna ng sinasabing mababang take home pay mula sa pamamasada habang ang ibang  commuters ay gumagamit na ngayon ng electronic bikes o scooters.

 

 

Samantala, hinikayat naman ng  MMDA ang mga tao na gumagamit ng  electronic forms ng transportation na sumunod sa regulasyon. (Daris Jose)

Other News
  • Concepcion, tinapik ang health, economic experts bilang advisory group na gabayan ang pribadong sektor

    TINAPIK ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion  ang  health at economic experts  bilang mga advisory group na gabayan ang pribadong sektor  habang ang bansa ay kumikilos tungo sa pagiging normal matapos ang pakikipaglaban sa COVID-19 pandemic.     Sa katunayan, sinabi ni Concepcion na may nakatakda siyang pagpupulong kasama ang mga eksperto sa larangan […]

  • SYLVIA, nangingibabaw ang pag-arte kaya kinatutuwaan ng netizens bukod kina ANDREA at FRANCINE

    FIRST few episodes pa lang Huwag Kang Mangamba sa pilot week nito na nagsimula noong March 22 ay pinuri na agad ng netizens ang inspirational drama series ng ABS-CBN na pinagbibidahan nina Andrea Brillantes bilang Mira at Francine Diaz bilang Joy.     Sa pagsisimula pa lang ng serye, kitang-kita na talaga ang kahusayan nina […]

  • Lady Stags, Lady Bombers magpapang-abot sa stepladder

    IBUBUHOS ng San Se­bas­tian at Jose Rizal Uni­ver­sity ang itinatagong la­kas sa kanilang do-or-die match upang umabante sa second round ng stepladder semis ng NCAA Season 97 women’s volleyball tournament sa The Arena sa San Juan City.     Magpapang-abot ang Lady Stags at Lady Bom­bers ngayong alas-2 ng ha­pon kung saan ang ma­na­nalo ang […]