• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MMDA chair Abalos, walang nakikitang pangangailangan na muling magpataw ng bagong curfew hour sa NCR

SINABI ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos na hindi kailangan na muling magpataw ng curfew sa National Capital Region (NCR) dahil ang mga residente ngayon ng rehiyon ay marunong “mag-self regulate” sa gitna ng surge sa COVID-19 cases.

 

 

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Abalos na alas-8 pa lamang ng gabi ay halos sarado na ang mga restaurants sa mga mall at halos kaunti na lamang ang mga tao sa kalye.

 

 

“Noong kami ay nag-usap noong nakaraan, nakita namin sa larawan na halos siguro alas otso ng gabi, halos sarado na ang mga restaurants sa mall, ang mga tao ay halos kakaunti na rin ang mga nasa kalye ‘no. Tandaan po natin, ang purpose po ulit ng alert level is to control mobility,” anito.

 

 

“Natuto na tayo . On their own, ang ating mga kababayan ay natuto nang hindi lumabas dahil nakakahawa ito,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Aniya pa, “as early as 5 p.m.,” wala ng gaanong tao sa mga malls at sa mga pangunahing lansangan.

 

 

Gayunpaman, ang 10 p.m. hanggang 4 a.m. curfew sa mga kabataan na may edad na 17 taong gulang pababa ay mananatili sa NCR.

 

 

Samantala, hindi rin aniya kailangan na itaas sa Alert Level 4 ang Kalakhang Maynila dahil sa naging pagbabago sa pag-uugali ng mga residente sa rehiyon.

 

 

Inanunsyo naman ng pamahalaan na manatili sa Alert Level 3 ang NCR hanggang sa katapusan ng Enero.

 

 

Sa ilalim ng Alert Level 3, ang ilang establisimyento ay papayagan na mag-operate ng 30% indoor venue capacity subalit “exclusively” para sa mga fully vaccinated na tao , at 50% outdoor venue capacity hangga’t ang mga empleyado ay fully vaccinated.

 

 

Ang In-person classes, contact sports, funfairs/perya, at casinos ay kabilang naman sa mga establisimyento na pinagbabawal sa ilalim ng Alert Level 3.

 

 

Samantala, sa ilalim ng Alert Level 4, ang mga establisimyento ay pinapayagan na mag-operate sa 10% indoor capacity “strictly” para sa fully vaccinated individuals lamang at 30% outdoor capacity.

 

 

Ang mga sinehan, contact sports, face-to-face classes, amusement parks, casinos ay ipinagbabawal.

 

 

Nabanggit na rin minsan ni Abalos na “once the alert level in NCR is downgraded to 1 or 2, the prohibitions for the unvaccinated will be automatically lifted.”

 

 

Nauna rito, hiniling ng MMDA sa mga unvaccinated residents sa Metro Manila na manatili sa kanilang bahay maliban lamang kung may bibilhin at accessing essential goods at services habang ang NCR ay nasa ilalim ng Alert Level 3. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Duterte at BI Com Jaime Morente, inaasahang maghaharap

    INAASAHANG magkaka-face-to-face sina Pangulong Rodrigo Roa Duterte at Bureau of Immigration Commissioner Jaime Morente sa gitna ng naungkat na bribery scandal sa ahensiyang pinamumunuan nito.   Posibleng mangyari ang paghaharap ng dalawa sa susunod na cabinet meeting kung saan ay nais mismo ng Pangulo na malaman ang pagpapatakbo ni Morente sa Immigration Bureau.   Ayon […]

  • ‘Very rare adverse effect’: AstraZeneca vaccine, ligtas pa rin iturok sa mga Pilipino – FDA

    Nanindigan ang Food and Drug Administration (FDA) na ligtas pa rin ang COVID-19 vaccine ng kompanyang AstraZeneca.     Ito ay sa kabila ng desisyon na pansamantalang pagsususpinde sa paggamit ng naturang bakuna.     “It’s (still) a useful vaccine,” ani FDA director general Eric Domingo.     Nitong Miyerkules nang kilalanin ng European Medicines […]

  • Ads September 22, 2023