• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MMDA handa sa bantang 2-linggong welga ng PISTON

NAGDEKLARA ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na handa sila sa balak na magkaron ng 2-linggong welga na gagawin ng mga grupo ng progresibong sektor ng transportasyon.

 

 

Ayon sa balita na ang Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operaytor Nationwide (PISTON) at Manibele ay muling maglulungsad ng welga upang iprotesta ang plano ng pamahalaan na magkaron ng modernization ang mga pampublikong transportasyon.

 

 

“We are prepared to enforce measures to ensure passengers will experience minimal inconvenience,” wika ni MMDA chairman Romando Artes.

 

 

Patuloy na sinusubaybayan ng inter-agency task force na binubuo ng mga ahensiya na nasa ilalim ng Department of Transportation (DOTr) at MMDA ang mga kaganapan sa welga sa command center ng huli sa MMDA Metrobase sa Makati.

 

 

Noong nakaraang Dec. 14-15, ang pamahalaan ay naalerto dahil ang mga nagwewelgang drivers ay nanggugulo sa mga kasamahan nilang drivers na hindi sumasama sa kanilang welga. Sinisigawan at inaalis ang signages na nakalagay sa windshield ng mga PUJs. Sa Taguig naman, ang mga gulong ng ibang modern jeepneys ay tinusok ng mga pako galing sa mga nagwewelgang drivers.

 

 

Subalit, mabilis na kumilos ang MMDA at mga kapulisan upang maiwasan pa ang patuloy na pangungulo ng mga grupo.

 

 

Samantala, nagkaron naman ng pagsisikip ng trapiko noong Dec. 15 dahil ang mga empleyado ay nakuha na nila ang kanilang sweldo at bonus kung kaya’t nagkaron ng “last-minute shopping” habang ang iba naman ay dumalo sa mga Christmas parties.

 

 

Inaasahan ng MMDA na magkakaron muli ng pagbigat ng trapiko sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila ngayon darating na weekend kung saan magkakaron ng Christmas exodus ang mga motorista na maglalakbay papunta sa mga probinsiya ngayon kapaskuhan.  LASACMAR

Other News
  • Pagpapalakas sa national security at economic development ngayong natitirang sesyon

    INIHAYAG ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez nitong Martes na pagtutuunan ng pansin ng kamara ang lehislasyon ukol sa pagpapalakas ng national security at economic development sa natitirang sesyon ng 19th Congress.     “As we embark on another session this April 29th, our legislative focus sharpens on the dual imperatives of national security and robust […]

  • Bubble training ng national athletes sisimulan ngayong Enero

    Sisimulan na ngayong Enero ang pagsasanay ng national athletes sa isang bubble setup sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna.   Ayon kay Philippine Sports Commission (PSC) commissioner Ramon Fernandez, makakababalik na sa ensayo ang mga atleta partikular na ang mga naghahangad na makasikwat ng tiket sa Tokyo Olympics.   “The bubble training that we […]

  • MAJA, ‘di pa pinag-iisipan kung tuluyan nang magiging Kapuso

    MARAMING nagtatanong kung hindi pa ba magiging Kapuso si Maja Salvador?       Sa ngayon kasi ay napapanood si Maja daily sa Eat Bulaga, may sarili siyang segment doon, ang dance contest na “DC2021: Maja On Stage” na may three days silang live, Thursdays to Saturdays,  na pagkatapos ay nagti-tape naman sila ng three days […]