MMDA, IBALIK ang CODING o TULUYAN NANG ALISIN?
- Published on July 3, 2021
- by @peoplesbalita
Pinagaaralan diumano ng MMDA na ibalik na ang coding sa Metro Manila matapos na isuspinde ito dahil sa pandemya. Kung paniniwalaan ang Presidente na na-solve na raw ang traffic sa EDSA e bakit nga ba ibabalik pa!
Ang coding ay bahagi nang ipinatupad ng MMDA na Unified Vehicular Volume Reduction Program. Kamakailan lang ay kinatigan ng Korte Suprema ang kapangyarihan ng MMDA na magpatupad ng coding scheme sa ilalim ng MMDA Res. 10-16 at MC 8 series 2010 dahil nakapaloob ito sa rule making powers ng MMDA sa pag-re-regulate ng traffic sa Metro Manila.
Kung ganun ay nasa kapangyarihan din ng MMDA na tuluyan nang hindi ipatupad ito. Bakit ba nagkaroon ng coding? Simpleng sagot – dahil kailangan bawasan ang sasakyan sa lansangan para lumuwag ang traffic. Marami ng variations ang coding at may ilang mga panukala rin kung paano ipapatupad ito. Pero ang mahalagang tanong: nabawasan ba ang sasakyan sa lansangan dahil sa coding? Lumuwag ba ang traffic dahil dito? Ayon sa TOMTOM Intl B.V. base sa Amsterdam ay pang apat ang Metro Manila sa may pinakamatinding traffic congestion sa mundo kahit sa panahon ng lockdown.
Ang congestion level ay 53% na ang ibig sabihin ay, sa thirty minutes trip mas tatagal ang byahe ng 53% sa baseline na uncongested. At ano ang epekto sa ekonomiya ayon sa JICA? Ang economic cost ng traffic ay P3.5 billion pesos isang araw. Sa mga ayaw sa coding sinasabi nila na mas dumami pa ang sasakyan mula ng ipatupad ito dahil bumili lamang ng second or third car ang mga motorista at pinarehistro ng ibang ending number.
So, wala ring epekto ang coding dahil gumamit lang ng ibang sasakyan ang mga motorista tuwing coding day nila. Mas tumaas ang benta ng sasakyan sa panahon na pinairal ang coding. Bagamat maraming bagong daan na naipagawa sa ilalim ng build, build, build program ng pamahalaan ay hindi makahabol ang “road space” sa dami ng sasakyan.
Ang panawagan naman ng mga eksperto ay huwag isama sa coding ang public transport para hindi mabawasan ang masasakyan ng mga pasahero ng pampublikong sasakyan dahil para sa kanila ang totoong solusyon ay ang epektibong public transport sa gitna ng traffic problems.
Sinasabi rin na napakagaan bumili ng sasakyan ngayon dahil sa mga zero or low down payment plan na mga marketing strategy para mas makabenta ang mga car dealers. Kaya ang gusto ng marami ay ay magkaroon din ng restrictions sa pagbili ng sasakyan tukad ng “no-garage-no-car-policy” at iba pa.
So sa issue ulit ng coding – napigil ba nito ang pagdami ng sasakyan sa kalye? Hindi. Dahil dumami pa nga.
Ayon ulit sa mga eksperto, na sinasangayunn ng Lawyers for Commuters Safet and Protection (LCSP), ang epektibong pagbabawas ng sasakyan sa kalye ay mangyayari lang kung mas maraming effective na public transport ang available sa mga commuters.
Pero sa hirap naman kumuha ng prangkisa dahil sa katakut-takot na requirements ng LTFRB ay mukhang hindi kaagad matutupad ito. Aminin din natin na mas gusto ng mga motorista na sariling sasakyan ang gamit kaysa makipagsapalaran at makipagagawan sa inefficient na public transport system.
Ang mass transport ay long-term solution sa traffic problem. Pero hanggat kulang pa ang mass transportation, kailangan bang magkaroon ng ulit coding ng mga sasakyan sa pagbalik normal ng mga kalsada galing sa pandemya? (Atty. Ariel Enrile-Inton)
-
WHO, suportado ang third Covid-19 dose
INIREKOMENDA ng World Health Organization (WHO), araw ng Huwebes ang pagbabakuna ng third dose ng COVID-19 vaccine para sa mg taong may immunocompromised condition o hindi kayang makapag- develop ng full immunity matapos ang dalawang doses. “We are now in a position to say that for people with immunocompromised conditions who have been unable […]
-
Gobyerno, maglulunsad ng kampanyang “Ingat Buhay Para sa Hanapbuhay”
NAPIPINTONG ilunsad ng gobyerno ang isang kampanya para ipabatid sa publiko na maaari namang maghanapbuhay kahit may kinakaharap na pandemya. Ang kampanya ayon kay Sec. Roque na ipapa- apruba kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte ay sa gitna na rin ng mainit na debate sa loob ng IATF at UP group na nagsasabing kinakailangan manatili pa […]
-
MAJA, pinupuri sa ‘Arisaka’ at mukhang makakalaban nina SHARON at KIM sa pagka-Best Actress
PINUPURI nga ng netizens ang official poster ng Arisaka na pinagbibidahan ni Maja Salvador na magwo-world premiere at magko-compete sa 34th Tokyo International Film Festival (TIFF) Inilabas na rin ni Direk Mikhail Red official trailer at makikita si Maja na isang policewoman na trying to escape and survive habang hinahabol ng mga kapwa-pulis headed by Mon Confiado. […]