• November 9, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MMDA: Implementasyon ng Single Ticketing system matagumpay

ANG PILOT run ng single ticketing system para sa mga traffic violations sa Metro Manila ay naging matagumpay ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

 

 

“The first three days of the single ticketing system’s implementation, which started on May 2 in Muntinlupa, San Juan, Valenzuela, Paranaque and Quezon City had been generally successful,” wika ni MMDA chairman Romando Artes.

 

 

Ang sistema ay nagpapatupad ng uniform set ng mga multa sa mga nahuling motorist ana lumalabag sa batas trapiko sa Metro Manila.

 

 

“No major issues, concerns or complaints have been reported. Our focus now is on some adjustments that must be made in the coming days. So far, we are doing good,” saad ni Artes.

 

 

Nagkaron lamang ng glitches sa mga traffic enforcers na hindi pa familiar sa technology na ginagamit sa single ticketing system. Ito ang naging pahayag ng MMDA at ng policy making body, ang Metro Manila Council (MMC) na binubuo ng 17 mayors ganon din ang obserbasyon ng Land Transportation Office (LTO).

 

 

Isa sa mga glitches ay ang uploading ng information sa mga violations, access sa portal at activation ng online payment systems.

 

 

Ayon kay Artes ang mga traffic enforcers sa Metro Manila ay muling isasailalim sa training ng paggamit ng handheld devices para sa pagbibigay ng traffic violation tickets.

 

 

“We admit that not all enforcers are techies, so there is a need to train them. One of our observations is the incorrect input of names so they don’t match LTO data,” dagdag ni Artes.

 

 

Bumili ang MMDA ng 510 handheld devices na pinabigay sa mga traffic enforcers sa limang lungsod ng Metro Manila na lumahok sa pilot testing ng sistema. Sinabi ni Artes na ang mga devices ay gagawing customized depende sa mga rules ng bawat isang lokal na pamahalaan lalo na ang imposing ng multa sa late payment ng multa.

 

 

Umaasa si Artes na ang lahat ng lokal na pamahalaan sa Metro Manila ay ipapatupad ang single ticketing system sa darating na third quarter ng taon. LASACMAR

Other News
  • Four-day work week sa mga empleyado ng SC, ipatutupad na simula April 4

    IPAPATUPAD na simula sa April 4 ang four-day work week para sa mga emplyeado ng Korte Surprema, kung saan ay pisikal na magtatrabaho ang mga ito sa kanilang opisina sa loob ng apat na araw habang nasa work from home set up naman ang mga ito sa loob ng isang araw.     Alinsunod sa […]

  • Ads July 11, 2022

  • Gentoleo, Navarro matitibay ang tuhod

    TINANGHAL na mga tigasin sina Joseph Gentoleo at Cherryl Navarro ng kapwa Team Amihan na hari’t reyna sa katatapos na Manila-Bataan 102-Mile Endurance Run 2020 na nilargahan sa Zero Kilometer Post ng Luneta Park sa Maynila at humimpil sa Zero Kilometer Death March Marker sa Mariveles, Bataan.   Ang race cut-off time ay 36 na […]