MMDA, ipinag-utos ang 5-day closure ng mga sementeryo
- Published on October 15, 2021
- by @peoplesbalita
NAGKAISA ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), at ang mga Alkalde ng National Capital Region na irekomenda ang pansamantalang pagsasara sa lahat ng sementeryo at public memorial parks para maiwasan ang pagsipa ng Covid-19 cases bago at sa panahon ng All Saints’ Day at All Souls’ Day.
Inaprubahan ng Metro Manila Council, kinabibilangan ng MMDA at 17 Alkalde ang isang resolusyon na nag-uutos sa local government units ng rehiyon na isara ang mga sementeryo ng limang araw mula Oktubre 29 hanggang Nobyembre 1, All Saints’ Day, at Nobyembre 2, All Souls’ Day.
“It is encouraged that individuals visit the public and private cemeteries, memorial parks and columbaria on dates earlier than October 29, 2021, or later than November 2 subject to the prescribed 30 percent venue capacity,” ang nakasaad sa resolusyon.
“As for the conduct of wakes, necrological services, funerals, interment, cremation and inurnment during the five-day period, the prescribed guidelines by the Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Disease shall govern,” ayon pa rin sa resolusyon. (Daris Jose)
-
Pres. Duterte inaprubahan pagbubukas ng klase sa Sept. 13 – DepEd
Itinakda sa Setyembre 13, 2021 ang pagsisimula ng School Year 2021-2022. Ayon sa Department of Education (DepEd) mismong si Pangulong Rodrigo Duterte na ang pumili sa nasabing petsa. Nakatakdang maglabas sa susunod na mga araw ang DepEd ang mga school calendar para sa 2021-2022. Nauna rito nagsumite ng ilang […]
-
PAGHALIK SA ALTAR AT KRUS, HINDI INIREREKOMENDA
HINDI inirerekomenda ng Department of Health (DOH) ang paghalik sa altar at krus sa gitna ng COVID-19 pandemic ngayong panahon ng Holy Week. . Ang Holy Week ay mula April 10, Linggo hanggang April 16, Sabado. Sinabi ni Health Usec Maria Rosario Vergeire sa media forum na ang nasabing virus ay […]
-
DOH: Higit 50-M vaccine doses vs COVID-19 ‘panis na’ ngayong Marso 2023
AABOT sa nasa 50 milyong doses ng COVID-19 vaccines ang posibleng mapanis sa pagtatapos ng Marso 2023, pagkukumpirma ni Department of Health officer-in-charge Maria Rosario Vergeire sa Senado sa darating na araw. Ito ang sinabi ni Vergeire sa pagdinig ng Senate blue ribbon committee matapos matanong ni Sen. Francis Tolentino kaugnay ng mga […]