“Agila” Natividad bagong OMB chair
- Published on October 7, 2020
- by @peoplesbalita
KINUMPIRMA ng Malakanyang ang pagkakatalaga kay dating Malolos City Mayor Atty. Christian “Agila” Natividad bilang miyembro at magiging kinatawan ng academe, at bagong Chairperson ng Optical Media Board (OMB).
Tatlong taon ang magiging termino ni Natividad.
Umaasa si Presidential spokesperson Harry Roque na ang pagkakatalaga kay Natividad ang magiging daan para maging matagumpay ang OMB lalo na sa paglaban sa optical media piracy at pagprotekta sa intellectual property rights sa digital form.
“We wish Mr. Natividad good luck in his new assignment,” ayon kay Sec. Roque.
Sa ulat, mismong si Department of Energy (DOE) Secretary Alfonso Cusi ang pormal na nagpanumpa sa tungkulin kay “Agila”. Ang OMB na nasa ilalim ng Office of the President ay siyang nagreregulate ng pag-manufacture at importasyon ng mga optical media products.
Kabilang sa mga humawak ng naturang puwesto ay sina Edu Manzano, Ronnie Ricketts at Sen. Bong Revilla.
Si Natividad ay nakilala bilang hall of famer awardee bilang Most Outstanding City Mayor at consistent awardee sa Seal of Good Housekeeping at sa pagpapanatili ng peace and order.
-
Ads January 25, 2022
-
Direk ROMAN, aminadong nagulat sa pagiging palaban ng dalawa: VINCE at CHRISTINE, may kakaibang ginawa sa ‘Siklo’ na ‘di kakayanin nina AJ at SEAN
PASABOG agad ang unang Vivamax Original movie ng 2022, ang Siklo ay isang sexy-action-thriller na unang pinagbibidahan nina Vince Rillon at Christine Bermas. Kwento ito ni Ringo (Vince), isang delivery rider na mahuhulog sa pinagbabawal na pag-ibig sa isa sa kanyang mga customer, si Samara (Christine). Si Samara ay isa ring […]
-
LTO puspusan ang ginagawang hakbang para maresolba ang singil lisensiya at mga driving schools
PUSPUSAN na ang ginagawang mga hakbang ng Land Transportation Office (LTO) para maresolba ang problema ng mga kumukuha ng kanilang driver’s license partikular ang singil sa mga driving school. Sa pahayag ni LTO Chief Asec. Jay Art Tugade sa pagdalo nito sa Balitaan sa Tinapayan, nakumpleto na ng binuo niyang komite ang pagrereview […]