MMDA maghihigpit sa paggamit ng e-bikes, e-scooters
- Published on June 21, 2022
- by @peoplesbalita
MAGHIHIGPIT ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa enforcement ng Land Transportation Office (LTO) order upang maging maayos ang paggamit ng e-bicycles at e-scooters dahil sa mga maraming aksidenteng nangyayari na kinasasakungkutan nito.
Sinabi ni MMDA Traffic Discipline Office for Enforcement Victor Nunez na gusto lamang nilang magkaron ng road safety sa paggamit ng e-bikes at e-scooters.
Dagdag pa niya na ang MMDA ay naging maluwag sa pagpapatupad ng LTO’s Administrative Order 2021-039 na siyang nagaayos ng paggamit ng e-bikes at e-scooters dahil na rin hindi pa 100 percent capacity ang mga pampublikong transportasyon noong may pandemya.
“Now, since mass public transport is back to 100 percent capacity and face-to-face classes are about to resume in a couple of weeks, we know that many students might use these e-bikes and e-scooters. We just want to promote road safety,” wika ni Nunez.
Sa ilalim ng LTO order, ang mga e-bikes at e-scooters ay limited lamang sa mga bicycle lanes, barangay (community) road at dapat sila ay magbibigay ng right of way sa mga incoming traffic. Hindi rin sila pinapayagan na dumaan sa gitna ng mga pangunahing lansangan.
Ayon sa MMDA, may 346 road crashes at accidents ang kanilang naitala sa paggamit ng e-bikes at e-scooters sa langansang ng Metro Manila noong nakaraang taon habang may 82 pa ang nasangkot ngayon.
Sa kabilang dako naman, may naitalang pagbaba ang MMDA ng mga sasakyan na dumadaan sa EDSA dahil na rin sa gitna ng tumataas na presyo ng produktong gasolina.
“The MMDA estimated that around 392,000 cars traversed EDSA on June 9. The figure was lower than the 417,000 vehicles that passed through the busiest thoroughfare in Metro Manila on May 5. This is also lower than the average daily volume of 405,000 cars on EDSA before the COVID-19 pandemic struckt,” wika ni MMDA general manager Romando Artes.
Ayon kay Artes ang mga car owners ay hindi na lamang gumagamit ng kanilang mga sasakyan dahil na rin sa pagtaas ng presyo ng produktong gasolina. Halos lingo-lingo na lamang ay tumataas ang presyo nito.
Dahil din dito ay ang mga drivers at operators ng PUVs tulad ng jeepneys, taxis at ride-hailing app services ay humihinto na lamang na pumasada.
Tumaas na naman ang presyo ng diesel at kerosene ng P4.30 at P4.85 kada litro, respectively. Ang gasoline naman ay tumaas ng P2.15 kada litro. LASACMAR
-
Pacman handa na sa laban
Ibinida ng kampo ni boxing superstar Sen. Manny Pacquiao na handa ito at hindi na kailangan ang mahabang oras upang magpalakas sakaling muling tumapak sa ibabaw ng ring. Ito ang reaksyon ng Pacquiao camp sa pahayag ni Top Rank big boss Bob Arum na niluluto na umano nito ang bakbakan sa pagitan ng Fighting Senator at […]
-
Lalaki umakyat sa poste ng ilaw sa Navotas
NABULABOG ang tulog ng mga residente sa isang barangay sa Navotas City nang tatlong oras na mawalan ng supply ng kuryente matapos umakyat sa tuktok ng poste ng kuryente ang isang lalaki, Martes ng madaling araw. Napuwersang putulin pansamantala ng Meralco ang supply ng kuryente sa kahabaan ng M. Naval St. Brgy. Sipac […]
-
Panibagong batch ng 1-M Sinovac vaccine, dumating na sa bansa
Nasa Pilipinas na ang karagdagang batch ng one million doses ng Sinovac vaccines na dumating bandang alas-7:36 nitong Linggo ng umaga sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3. Lulan ng isang Cebu Pacific flight, sinalubong ito ng vaccine czar na si Carlito Galvez gayundin ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque at ilang […]