• June 17, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pacman handa na sa laban

Ibinida ng kampo ni boxing superstar Sen. Manny Pacquiao na handa ito at hindi na kailangan ang mahabang oras upang magpalakas sakaling muling tumapak sa ibabaw ng ring.

 

Ito ang reaksyon ng Pacquiao camp sa pahayag ni Top Rank big boss Bob Arum na niluluto na umano nito ang bakbakan sa pagitan ng Fighting Senator at ni WBO welterweight champion Terence Crawford.

 

Sinabi ni head trainer-coach Buboy Fernandez na handa si Pacman anomang oras matanggap nila ang petsa para sumabak sa laban ang kanyang alaga.

 

Isiniwalat ni Fernandez na kahit may lockdown,  tuloy-tuloy ang light training ni Pacquiao kaya hindi problema ang pagpapatibay sa stamina nito sa oras na ilabas na ang schedule.

 

Pero ayon kay Fernandez, nasa kanila pa rin ang huling salita kung sino ang gustong sagupain ng Pambansang Kamao.

 

Sa ngayon ay naghihintay umano sila kung may mabubuong kasunduan sa pagitan ng magkabilang panig.

Other News
  • Bagay na tawaging ‘Good Boy’ dahil ganun sa tunay na buhay: ALDEN, inaming hindi naman perfect dahil nagkakamali rin

    MAY bago nang tawag ngayon kay Asia’s Multimedia Star Alden Richards, simula nang mag-taping na siya ng bago nilang serye sa GMA Network, ang Pilipino adaptation ng Korean drama series na “Start-Up.”       Noong 2012 na ginawa ni Alden ang “One True Love,” una siyang tinawag na ‘Tisoy’ at kahit hanggang ngayon, ganoon pa […]

  • 2nd SONA ni PBBM, ipakikita ang ‘significant progress’ ng Pinas

    UMAASA si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.  na mapagtatanto ng mga filipino na ang bansa ay nakagawa ng “significant progress”  habang pinapakinggan ng mga ito ang kanyang pangalawang  State of the Nation Address (SONA) sa susunod na linggo.     Ang pangalawang SONA ng Pangulo ay sa Hulyo  24, araw ng Lunes.     Sinabi ng […]

  • IPINAPAKITA ng isa sa mga tauhan ng DPWH kina Mayor John Rey Tiangco at Cong. Toby Tiangco kung paano buksan ang emergency power supply

    IPINAPAKITA ng isa sa mga tauhan ng DPWH kina Mayor John Rey Tiangco at Cong. Toby Tiangco kung paano buksan ang emergency power supply ng isa sa tatlong bagong bukas na pumping station na matatagpuan sa Judge Roldan sa Brgy. San Roque, kasunod ng blessing at inauguration nito. (Richard Mesa)