• November 5, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MMDA, magsasagawa ng dry run ng expanded number coding scheme isang linggo bago ang F2F classes sa NCR

NAKATAKDANG  magsagawa ng dry run sa expanded number coding scheme ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ngayong araw.

 

 

Ito ay bilang bahagi pa rin paghahanda ng kagawaran sa muling pagbubukas ng mga paaralan sa bansa para sa school year 2022-2023 sa susunod na linggo.

 

 

Ayon kay MMDA Task Force Special Operations chief Bong Nebrija, magkakaroon ng window hour sa ilalim ng naturang expanded number coding scheme upang mas mapaluwag pa ang mga pangunahing kalsada sa Metro Manila.

 

 

Ipapatupad ito mula alas-7 ng umaga hanggang alas-10 ng umaga, at mula alas-5 ng hapon naman hanggang alas-8 ng gabi.

 

 

Hindi naman kasali sa naturang alituntunin ang mga public utility vehicles (PUV), transport network vehicle services (TNVS), garbage at fuel trucks, motorsiklo, at mga sasakyang nagdedeliver ng essential goods.

 

 

Batay kasi sa ulat na inilabas ng ahensya, simula sa Agosto 22 ay inaasahang papalo sa 426,000 hanggang 430,000 ang average number ng mga motoristang babaybay sa kahabaan ng EDSA.

 

 

Mas mataas ito kumpara sa 405,000 na mga sasakyang naitala ng MMDA na dumadaan sa EDSA noong pre-pandemic period.

 

 

Samantala, bukod dito ay nakatakda rin na magsagawa ng clearing operations ang MMDA sa mga kalsadang patungo at malapit sa mga paaralan upang matiyak naman na walang magiging sagabal sa trapiko para sa mga mag-aaral.

 

 

Habang nasa 581 traffic enforcers naman ang nakatakdang ideploy sa pagsisimula ng klase para naman mag-assist sa 146 na mga paaralan sa buong Metro Manila.

 

 

Alinsunod sa Republic Act No. 10742 o ang SK Reform Act of 2015 na nagsasaad ng obserbasyon ng “Linggo ng Kabataan” tuwing buwan ng Agosto, ang Lalawigan ng Bulacan, kasama ang mga lungsod, munisipalidad at barangay nito ay nagsagawa ng “BOY/GIRL OFFICIALS 2022” mula Agosto 8 hanggang 12, 2022. (Daris Jose)

Other News
  • Ipalalabas in time sa Chinese New Year: KIMSON, bida sa international film na ‘King of Hawkers’

    INTERNATIONAL star na ang GMA male artist na si Kimson Tan, bida siya foreign film na ‘King of Hawkers’.   “I auditioned, with the help of Ms. Joy Marcelo, Ms. Gigi Lana Santiago,” kuwento sa amin ni Kimson.   Ang ‘King of Hawkers’ ay produced ng international production na Kelvin Sng Productions.   Pagpapatuloy pang […]

  • Geisler, PTA mag-ayos na

    PINATALSIK ng Philippine Taekwondo Association si two-time Olympian Donald David ‘Donnie’ von Geisler III bilang kasapi at dineklara ring persona non grata ni PTA chairman Dr. Manolo Gabriel.   “All rights and privileges granted to him as a PTA member has been deemed forfeited and terminated; Declared Persona Non Grata,” pahayag ng opisyal nitong Lunes. […]

  • John Riel Casimero tuluyan ng napanatili ang WBO bantamweight belt

    Tuluyan ng nakakuha ng clearance sa World Boxing Organization (WBO) si Filipino boxer John Riel Casimero para mapanatili nito ang kaniyang bantamweight champion title.     Sa resolution na inilabas ng WBO na nakapag-comply na si Casimero sa mga kutusan na kanilang inilatag gaya ng pagpakita ng mga medical documents matapos ang pag-atras nito sa […]