• May 26, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MMDA: Modified number coding scheme suspendido pa rin

Sinuspendi ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pagpapatupad ng modified number coding scheme sa Metro Manila simula noong Lunes.

 

“The agency deferred its implementation amid the limited capacity of public transportation in Metro Manila, which remains under general community quarantine (GCQ) until June 15,”

 

Ayon kay Pialago, ang number coding scheme ay suspendido hanggang wala pang binibigay na bagong notice ang MMDA.

 

Dagdag pa n Pialago na marami pa rin tayong mga kababayan na nahihirapan sumakay ngayon GCQ kung kaya’t ayaw muna ng MMDA nabigyan ng dagdag isipin ang mga motorista.

 

Inaasahan din ng MMDA na mas marami pa ang babalik sa kanilang mgatrabaho kung kaya’t pinayagan nila na magamit ng mga motorist ang kanilang mga sasakyan ng walang restriction.

 

Ang modified number coding scheme ay pinapayagan ang mga coded vehicles na maglakbay sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila kung may sakay itong dalawa o mas higit pa na pasahero.

 

Samantala ang mga pribadong sasakyan naman ay exempted sa traffic policy na ito kung ang mga sakay ay gumagawa ng physical distancing at kung nakasuot sila ng face masks.

 

Ang mga sasakyan naman na ginagamit ng mga medical personnel tulad ng mga doctors, nurses at iba pa ay excused din sa nasabing traffic scheme.

 

“Authorized persons outside residence, as specified in the guidelines of the Inter-Agency Task Force on the Management of Emerging Infectious Diseases, are also exempted from the modified number coding scheme,” sabi ng MMDA.

 

Simula pa noong March ay suspendido na Ang number coding policy na nagbabawal sa mga sasakyan na tumakbo sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila tuwing weekdays depende sa huling digits ng plate numbers.

 

Ipinahayag din ng MMDA na ang truck ban ay nanatiling suspendido rin upang bigyan ng pagkakataon na magkaroOn ng tuloy tuloy na delivery ng essential goods at raw materials.

 

Samantala,ang Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ay magbubukas ng karagdagang bagong mga routes para sa mga buses upang mabigyan ng sapat ng transportation ang mga sumasakay. (LASACMAR)

Other News
  • Relief goods lulan ng BRP Tubbataha nakatakdang ipamahagi

    Kaagad nang ipapamahagi sa mga apektadong pamilya sa Bohol ngayong araw ang mga relief supplies na dala ng BRP Tubbataha.     Ito ay matapos na makarating na sa Central Visayas ang naturang barko ng ulan ang 270 sako ng bigas, 37 piraso ng tarpaulin, apat na drum ng gasolina, apat na solar sets, dalawang […]

  • 5 major agenda, palalakasin pa ni Mayor Joy

    LIMANG major agenda ang higit na palalakasin ni Quezon City Mayor Joy Belmonte sa ikalawang termino  nito bilang alkalde sa lungsod.     Inihayag ito ng alkalde sa ginanap na inagural ceremony ng mga nanalong  opisyal ng QC.     Pinangunahan ni Mayor Joy ang okasyon kasama sina Vice Mayor Gian Sotto  at anim na […]

  • BBM SUPORTADO NG MGA DATING PNP, AFP AT MEDAL OF VALOR AWARDEES

    NAGKAKAISANG  nagpahayag ng suporta ang mahigit 100  dating matataas na opisyal ng militar at pulisya para sa kandidatura ng nangungunang presidential candidate na si Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.     Pito sa mga ito ay dating hepe ng Philippine National Police, Armed Forces of the Philippines, Philippine Coast Guard; siyam na Medal of Valor awardees, […]