MMDA nagbabala sa bagong ‘text scam’ sa traffic violation
- Published on June 20, 2024
- by @peoplesbalita
NAGBABALA ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga motorista kaugnay ng text message na nagpapayo sa kanila na magbayad ng multa gamit ang isang link.
“MMDA NCAP Office notice: Your traffic violation penalty bill is 3 days past due. Failure to pay will result in an fail vehicle registration,”ang nilalaman ng nakalap na text message mula sa sender na CASHPROM.
Payo ng MMDA sa pubiko, huwag mag-click ng anumang ipinadadalang link sa text message dahil isa itong scam, maging mapagmatyag at huwag ding magbigay ng mga personal at sensitibong impormasyon.
Maaaring direktang makipag-ugnayan ang mga motorista sa MMDA para iberipika ang anumang mensahe sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa Hotline 136.
Maaari rin umano silang magpadala ng mga mensahe sa pamamagitan ng email sa digitalmedia@mmda.gov.ph, o sa pamamagitan ng social media accounts ng ahensya sa Facebook (@MMDAPH) at X (@MMDA), o tingnan ang opisyal na website nito sa mmda.gov.ph.
Matatandaang noong nakalipas na buwan lamang nang magpalabas din ng babala ang MMDA hinggil sa “No Touch Arrest Penalty” scam na batay naman sa mensaheng ipinadadala sa publiko ng mga scammers na –“MMDA No-Touch Arrest Penalty Notice: Please go to go-ph.tw to pay the penalty after you have been notified that failure to pay will void your vehicle register.”
Iginiit ng MMDA na wala silang polisiya na magpadala ng text messages kaugnay sa traffic violation.
-
Preso paghihiwalayin ng kulungan, depende sa krimen
KASUNOD ng naging kontrobersiya sa New Bilibid Prison (NBP), planong paghiwa-hiwalayin ng piitan ang mga bilanggo o persons deprived of liberty (PDLs), depende sa nagawang krimen. Ayon kay Bureau of Corrections (BuCor) officer-in-charge Gregorio Catapang, Jr. na mayroon nang regionalization plan para mapaluwag ang NBP kung saan nagsisiksikan ang nasa 30,000 na kaya […]
-
Mall hours adjustment ipatutupad sa November 18 – December 25 – MMDA
NAGKASUNDO ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at mall operators sa National Capital Region (NCR) na ipatupad ang adjusted mall hours simula sa Nobyembre 18 hanggang Disyembre 25, 2024. Sinabi ni MMDA Chairman Don Artes na iurong sa alas 11:00 ng umaga ang pagbubukas ng mall sa halip na normal operating hours, habang […]
-
Recovery ng ekonomiya ng bansa, posible sa 2022 – Sec.Lopez
TIWALANG inihayag ni DTI secretary Ramon Lopez na sa taong 2022 ang panahon para makaahon at maka- recover ang ekonomiya ng bansa mula sa pagkakalugmok dahil sa pandemya. Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni Sec.Lopez na ang kailangan lang ay mahagip kahit sa panimula ng 2022 ang 4.8% GDP growth. Sinabi ni […]