• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MMDA naglagay ng lay-by area para sa mga bikers

Naglagay ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng mga lay-by area para sa mga motorcycle riders sa EDSA na kanilang maaaring gamitin kung may malakas na ulan.

 

 

Ayon kay MMDA chairman Benhur Abalos na ang mga motorcycle riders ay puwedeng gumamit ng mga lay-by area upang magpahinto ng ulan upang hindi sila maging sagabal sa highway.

 

 

“We understand the plight of motorcycle riders when they have to stop in the middle of the road while waiting for the rain to stop. It is very risky for them because they might get into a road accident.  At least with the emergency lay-by, they can take cover during heavy rains,” wika ni Abalos.

 

 

Ang nasabing lay-by area ay nakalagay sa ilalim ng Quezon Avenue flyover na may nakalagay na pasukan at labasan na signages.

 

 

Subalit nilinaw din ni Abalos na ang lay-by area ay puwede lamang gamitin kung umuulan at hindi maaaring gamitin ng mga motorcycle riders upang gawing parking area at kung magkanon man sila ay bibigyan ng violation ticket.

 

 

Maglalagay pa rin sila ng iba pang lay-by area sa ilalim ng flyovers sa EDSA, C-5 Road, Roxas Boulevard, Alabang Road, Paranaque-Sucat Road at Chapel Road kapag naalis na ang mga nakabalakid sa mga nasabing daraanan.

 

 

Dagdag pa rin ni Abalos na maglalagay din sila ng mga pocket gardens sa ilalim ng mga flyovers upang gumanda ang mga lansangan sa Metro Manila. Makakatulong din ito upang mabawasan ang air pollution.

 

 

Samantala, giniit din ng MMDA sa mga motorista na dumaan sila sa mga mabuhay lanes sapagkat inaasahang dadami na ang mga sasakyan na gagamit ng EDSA dahil sa ang Skyway 3 ay nagsimula ng mangolekta ng toll fee.

 

 

Maglalagay ng mga directional road signages ang MMDA sa mga lugar na kung saan may mabuhay lanes.

 

 

“Motorists who are coming from the northern part of Metro Manila and will travel southbound, and those who might want to avoid EDSA can take mabuhay lanes as alternate routes. We want to give them options on their travel without being stuck in traffic,” saad ni Abalos.

 

 

Maraming mabuhay lanes routes na galing mula EDSA, North Luzon Expressway, Quezon City at Manila. Sinabihan ni Abalos ang mga pitong (7) lokal na pamahalaan na may mabuhay lane routes upang alisin ang mga nakalagay ng mga balakid sa mga nasabing lansangan.

 

 

Dagdag pa rin ni Abalos na kahit na may pagtaas na ang bilang ng mga motoristang dumadaan sa EDSA, hindi pa rin kailangan muling ibalik ang number coding scheme sapagkat ang trapiko ay “still manageable” pa rin. (LASACMAR)

Other News
  • ‘Di man nagwagi at itinanghal lang na First Runner-Up: HERLENE, humakot ng awards sa nakaraang ‘Binibining Pilipinas 2022’

    TAMA nga ang mga naglalabasang chika na balik GMA-7 na si Billy Crawford.     Ngayong August na rin siya magsisimulang mapanood sa GMA via the thrilling game show na “The Wall Philippines.”     Ang “The Wall Philippines” ay co-production between GMA-7 and Viva Entertainment, Inc., at kunsaan, si Billy ang magsisilbing host.   […]

  • Escortas Water Refilling Station na matatagpuan sa PSG compound, nasunog

    SINABI ng Presidential Security Group (PSG) commander Brig. General Jesus Durante III, na  nasunog  ang Escortas Water Refilling Station na matatagpuan sa PSG Concessionaire area sa loob ng Malacañang Park.   Ang establisimyento ay hiwalay at malayo mula sa main Headquarters at pasilidad ng PSG.   Nangyari ang insidente dakong-alas  8:30 kahapon ng umaga kung saan ay […]

  • Mga guro na ‘di pa bakunado pwedeng magturo sa F2F classes

    PINAHINTULATAN  na rin ng Department of Education (DepEd) ang mga gurong hindi pa bakunado laban sa COVID-19, na makapagturo na sa nalalapit na pagbabalik ng face-to-face classes sa bansa.     Sa isang pulong balitaan nitong Lunes, sinabi ni DepEd Undersecretary Atty. Revsee Escobedo na ang bago nilang polisiya ay payagan na rin ang mga […]