• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MMDA naniniwalang hindi kailangang ipatupad ang curfew sa NCR

NANINIWALA si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos na hindi na kailangang ipatupad ang curfew sa National Capital Region (NCR).

 

 

Sinabi ni Abalos na ito ay dahil sa ang mga residente naman ng Metro Manila ay “self-regulating” sa gitna ng surge ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19).

 

 

Paliwanag niya, dahil sa pagpapatupad noon ng curfew sa kasagsagan ng hard lockdwon sa NCR ay natuto na raw ang mga taong hindi na lumabas dahil ang naturang virus ay nakakahawa.

 

 

Dagdag ng MMDA chair, pagdating naman daw ng alas-5:00 ng hapon ay halos sarado na rin ang mga malls at pangunahing kalsada sa Metro Manila kaya hindi na kailangan ang curfew.

 

 

Pero una nang nagpatupad ang mga local government units (LGUs) sa Metro Manila ng curfew sa mga menor de edad na 17-anyos pababa sa NCR at mananatili ito hanggang sa ngayon.

 

 

Samantala, naniniwala si Abalos na hindi na kailangang itaas sa Metro Manila ang Alert Level 4 dahil na rin sa nakikitang galaw ngayon ng mga taga-NCR.

 

 

Kung maalala hanggang sa katapusan ng buwan ng Enero ay mananatili sa Alert Level 3 ang NCR.

 

 

Sa ilalim ng Alert Level 3, ilang establishments ay papayang mag-operate ng hanggang 30 percent indoor venue capacity pero ito ay para lamang sa mga fully vaccinated at 50% outdoor venue capacity kapag lahat ng mga empleyado ay fully vaccinated.

 

 

Ang in-person classes, contact sports, funfairs/peryaa at casinos ay ang mga aktibidad at establisimiyento namang hindi papayagan sa kasalukuyang alert level.

 

 

Sa sandali naman umanong ibaba sa Alert Level 2 o 1 ang NCR ay otomatiko na ring tatanggalin ang pagbabawal sa paglabas ng mga unvaccinated.

Other News
  • Sangkot droga, timbog

    ARESTADO ang limang hinihinalang sangkot sa illegal na droga, kabilang ang tatlong naaktuhang sumisinghot ng shabu sa Caloocan city, kamakalawa ng hapon.   Ayon kay Caloocan police chief Col. Dario Menor, alas-5:20 ng hapon nang respondehan nina PCpl Regner Tolentino, PCpl Nico Stephen Acebron, PCpl Leonard Acain at PCpl Bienvenido Ducusin Jr, pawang nakatalaga sa […]

  • BFAR, kailangan ang P450 million budget para sa surveillance vessels sa WPS

    KAILANGAN ng  Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang P450 million sa susunod na taon para bumili ng tatlong monitoring, control, and surveillance (MCS) vessels para tulungan ang mga mangingisda sa West Philippine Sea.     Inihayag ni  BFAR  Director Demosthenes Escoto  ang nasabing halaga sa pagdinig ng  Senate Finance Committee ukol sa panukalang  […]

  • Harassment ng Tsina sa Pinas, concern sa Europa- German FM Baerbock

    SINABI ni German Foreign Minister Annalena Baerbock na itinuturing ng Europa na isang malaking “concern” ang mapanganib na pagmamaniobra ng Tsina sa Philippine vessels sa South China Sea.     Para kay Baerbock, ang ginawa ng Tsina ay malinaw na paglabag sa international laws at balakid sa freedom of navigation.     “I think we […]