• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MMDA: Trapik, lalo pang sisikip habang papalapit ang Pasko

INAASAHAN na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang lalo pang pagbigat ng daloy ng trapiko habang papalapit ang Pasko.

 

 

Ayon kay MMDA chairperson Atty. Romando Artes, dapat nang asahan ng publiko ang masikip na traffic simula ngayong araw, Disyembre 7, na hudyat ng Christmas season.

 

 

Partikular na tinukoy ni Artes ang mga weekends ng Disyembre 15 at 22 na may pinakamabigat na daloy ng trapiko.

 

 

Aniya, ang Disyembre 15 ay payday weekend kaya’t asahan nang marami ang magla-last minute shopping.

 

 

Ang Disyembre 22 naman ay ‘weekend going to Christmas’ kaya’y inaasahan naman nilang dadagsa na ang mga taong magsisiuwian sa mga lalawigan upang doon ipagdiwang ang Pasko.

 

 

Hindi naman umano nila aalisin ang number coding window hours dahil wala namang “carmaggedon” na sitwasyon sa mga lansangan.

 

 

Samantala, higit pa umanong paiigtingin ng MMDA ang kanilang clearing operations sa Mabuhay Lanes upang magkaloob ng alternatibong ruta sa Metro Manila drivers ngayong holiday season.

 

 

Payo pa niya sa publiko, umiwas sa Christmas rush sa weekends upang hindi maipit sa masikip na daloy ng trapiko.

Other News
  • PBBM sa ‘BAGONG PILIPINO’ : ipagdiwang ang pagmamahal sa sarili sa Araw ng mga Puso

    IPAGDIWANG ang pagmamahal sa sarili ang “friendly reminder” ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga “Bagong Pilipino” ngayong nalalapit na ang Araw ng mga Puso.     Sa short video message ng Chief Executive sa kanyang  official Instagram account, sinabi ni Pangulong Marcos na alam ng mga “Bagong Pilipino”  kung paano pangangalagaan ang kanilang sarili. […]

  • CANADA, umaasa ng suporta ng Pinas sa free trade negotiations nito sa ASEAN

    NANAWAGAN ang Canada sa Pilipinas na suportahan ang free trade negotiations nito sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), tinukoy  ang kahalagahan ng  ASEAN Centrality.     “Regarding trade, we are negotiating for a free trade agreement with ASEAN. So we hope that we could have the support of the Philippines. And we are negotiating […]

  • Sanhi ng gas explosion sa construction site sa Taguig iniimbestigahan pa – BFP

    Patuloy na iniimbestigahan ng Bureau of Fire Protection (BFP) kung ano ang naging sanhi ng gas leak o gas explosion sa isang construction site sa harap ng Akari Building sa may bahagi ng 21st Drive sa BGC, Taguig kagabi.   Patuloy na iniimbestigahan ng Bureau of Fire Protection (BFP) kung ano ang naging sanhi ng […]