Modernisasyon sa DOH, target ni Health Sec. Herbosa ngayong 2024
- Published on January 23, 2024
- by @peoplesbalita
TINATARGET ngayon ng Department of Health na magpatupad ng modernisasyon sa buong Kagawaran ng Kalusugan ngayong taong 2024.
Ayon kay Health Sec. Ted Herbosa, sa ngayon ay binabalangkas na ng mga opisyal ng kanilang kagawan ang mga plano nito para gawing moderno ang DOH.
Ito ay alinsunod pa rin sa layunin ng ahensya na mas matugunan pa ang issue sa inequity sa mga probisyon ng primary healthcare services para sa mga Pilipino.
Aniya, kabilang sa kanilang mga inihahandang plano ay ang pagtatayo ng mga ambulatory primary care centers na mayroong kumpletong laboratoryo, mga gamotm at imaging upang hindi na kailanganin pang makipagsiksikan ng mga pasyente sa malalaking mga pagamutan sa bansa. (Daris Jose)
-
2 ONLINE SELLER ARESTADO SA P40K SHABU
ARESTADO ang dalawang babaeng online seller na sideline umano ang pagtulak ng ilegal na droga matapos bentahan ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer sa isinagawang buy-bust operation sa Malabon City, kahapon ng madaling araw. Kinilala ni Malabon police chief Col. Jessie Tamayao ang naarestong mga suspek na si Jane Gellado, 38, ng Alupihan […]
-
2 MILYON SWAB TEST, NAPROSESO NA
UMABOT na sa mahigit 2 milyon ang swab test sa buong bansa ang naiproseso ng Phiilippine Red Cross (PRC) sa patuloy nitong pagtulong sa bansa sa paglaban sa Covid-19,ayon kay PRC Chairman & CEO Sen. Richard Gordon Nagsimula ang PRC na magsagawa ng COVID-19 swab tests noong April 2020, na aabot sa 9,000 samples kada […]
-
Skyway 3 toll fee simula na sa July 12
Sisimulan na ng San Miguel Corp. (SMC) ang pangongolekta ng toll fee sa Skyway Stage 3 sa darating na July 12 kung saan tumagal din ng pitong (7) buwan ang libreng paggamit ng 18-kilometer na Skyway 3. Gamit ang bagong toll fee matrix na mas mababa kaysa sa dating inihain na toll fees, […]