Money laundering, sex trafficking ng ilang Chinese sa PH, isinalang sa hearing
- Published on March 6, 2020
- by @peoplesbalita
INUSISA ng mga senador ang ilang opisyal ng Bureau of Customs (BoC), Bureau of Immigration (BI), Anti-Money Laundering Council (AMLC) at iba pa dahil sa isyu ng pagpupuslit ng malaking halaga ng pera ng ilang Chinese.
Matatandaang sa privilege speech ni Senate blue ribbon committee chairman Sen. Richard Gordon, ipinakita nito ang bulto-bultong pera na ipinuslit sa ating bansa na may halagang $447 million o katumbas ng P22 billion.
Sinasabing gamit ito ng mga Chinese sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) at ilang iligal na aktibidad.
Batay sa batas, sinabi nina AMLC Executive Director Mel Racela at Customs Commissioner Rey Guerrero na maituturing na bilang smuggling ang pagpasok ng ganun kalaking halaga ng pera.
Naungkat din sa hearing ang umano’y identity theft at sex trafficking na kinasasangkutan ng ilang Chinese.(Daris Jose)
-
Tom Cruise, kinumpirmang magsu-shoot ng pelikula sa outer space
PUNO ng exciting games at all-out performances mula sa naglalakihang Kapuso stars ang GMA musical-comedy- variety program na All-Out Sundays sa pagbabalik-studio nito ngayong Linggo (September 27). Matapos ang ilang buwan na pagte-tape ng All-Out Sun- days: The Stay Home Party sa kani-kanilang mga bahay, last Sunday ay masayang inanunsyo ng ilang cast members […]
-
Warriors, 3-0 na sa preseason games
MULING nagtala ng panalo ang Golden State Warriors sa preseason matapos nitong patumbahin ang karibal na Sacramento Kings, 109 – 106. Naging episyente ang Warriors sa kabuuan ng laro gamit ang 48.5 shooting percentage at ipinasok ang 32 shots mula sa 99 attempts. Hawak din ng Warriors ang free throw line […]
-
“Magkapit-bisig tayo sa pagpapayabong ng pamanang ito” – Fernando
LUNGSOD NG MALOLOS- Nanawagan si Gobernador Daniel R. Fernando sa kanyang mga kapwa Bulakenyo na ipagpatuloy ang pamana ng Singkaban Festival sa pamamagitan ng pagsuporta sa isang linggong mga aktibidad na inilaan para ipagbunyi ang mayamang kultura at kalinangan ng Lalawigan ng Bulacan sa ginanap na Grand Opening sa harap ng gusali ng Kapitolyo sa […]