Tom Cruise, kinumpirmang magsu-shoot ng pelikula sa outer space
- Published on September 26, 2020
- by @peoplesbalita
PUNO ng exciting games at all-out performances mula sa naglalakihang Kapuso stars ang GMA musical-comedy- variety program na All-Out Sundays sa pagbabalik-studio nito ngayong Linggo (September 27).
Matapos ang ilang buwan na pagte-tape ng All-Out Sun- days: The Stay Home Party sa kani-kanilang mga bahay, last Sunday ay masayang inanunsyo ng ilang cast members ang kanilang pagbabalik-studio.
Maraming netizens naman ang excited nang makita at mapanood muling mag-perform on stage ang AyOS Barkada, “YAAAS! Balik-stu- dio na ang AOS next Sunday!”
Tiniyak naman ng cast members na magbabalik-studio at lahat ng bumubuo ng programa ang maingat nilang pagsunod sa safety protocols at guidelines habang nasa set.
Tumutok na sa All-Out Sun- days ngayong Linggo, sa mas pinahaba nitong oras 12:00PM-1:45PM, sa GMA-7 at official social media pages ng GMA Network.
*****
HINDI napigilan ni Kapuso actor Rocco Nacino na maging emosyonal sa inihandang sorpresa ng girlfriend na si Me- lissa Gohing para sa kanilang 3rd anniversary.
Sa kanyang Instagram, ibinahagi ng Descendants of the Sun actor ang 2-minute video na ginawa ng nobya kung saan mapapanood ang kanilang memorable trips at adventures.
Caption niya sa video: “Happy 3rd Mi amor! Last week was a stressful week but Sept. 18 was definitely the highlight of this year for me. A beautiful surprise from my love @gohingmelissa on our 3rd Anniversary! Grabe ka dito love, thank you for always being the best at what you do, and what you do for me. I love you, Happy 3rd Anniversary to us Mi Amor.”
Inaabangan na ngayon ng fans ang nalalapit na pagpapalabas ng fresh episodes ng Descendants of the Sun sa GMA Telebabad.
*****
ON board na si Tom Cruise para sa isang pelikulang isu-shoot in outer space!
TMZ reports that Cruise will head to the International Space Station on the SpaceX Crew Dragon rocket and capsule to shoot an action adventure movie. Tom’s name has already been added to the 2020 to 2023 ISS manifest.
Ididirek ito ni Doug Liman at ang voyage nila ay naka-set for October 2021.
The star reportedly worked closely with SpaceX boss Elon Musk and NASA to make the project happen. (RUEL J. MENDOZA)
-
Gobyerno, muling ininspeksyon ang Malampaya gas-to-water project
ININSPEKSYON ng mga opisyal ng gobyerno ang Malampaya deep water gas-to-power project sa offshore Palawan upang matiyak ang pagpapatuloy ng mga operasyon sa gitna ng inaasahang kakulangan ng suplay ng kuryente. Sinabi ni Enrique Razon na pinangunahan ng Prime Infrastructure Capital Inc. (Prime Infra) na ang mga opisyal mula sa Department of Energy […]
-
POC isinama pa rin si Obiena sa mga manlalaro na sasabak sa SEA Games
ISINAMA pa rin ni Philippine Olympic Committee (POC) President Bambol Tolentino sa line-up ng mga manlalaro na sasabak sa Southeast Asian Games si pole vaulter EJ Obiena. Kasunod ito sa pagtanggal ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) kay Obiena sa mga listahan ng mga atleta na maglalaro sa nasabing torneo na […]
-
COVID cases sa PH nasa 1.4-M na, 4,289 bagong mga nadagdag na kaso
Bahagyang mataas ngayon ang naitalang bagong dagdag na kaso ng COVID-19 sa pilipinas kumpara nitong nakalipas na Martes. Ayon sa ulat ng Department of Health (DOH) nasa 4,289 ang nadagdagan ngayon na nahawa sa virus kaya sa kabuuan sa buong Pilipinas mula noong nakalipas na taon ay nasa 1,450,110 na. Bahagya […]