• June 14, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Money laundering, sex trafficking ng ilang Chinese sa PH, isinalang sa hearing

INUSISA ng mga senador ang ilang opisyal ng Bureau of Customs (BoC), Bureau of Immigration (BI), Anti-Money Laundering Council (AMLC) at iba pa dahil sa isyu ng pagpupuslit ng malaking halaga ng pera ng ilang Chinese.

 

Matatandaang sa privilege speech ni Senate blue ribbon committee chairman Sen. Richard Gordon, ipinakita nito ang bulto-bultong pera na ipinuslit sa ating bansa na may halagang $447 million o katumbas ng P22 billion.

 

Sinasabing gamit ito ng mga Chinese sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) at ilang iligal na aktibidad.
Batay sa batas, sinabi nina AMLC Executive Director Mel Racela at Customs Commissioner Rey Guerrero na maituturing na bilang smuggling ang pagpasok ng ganun kalaking halaga ng pera.

 

Naungkat din sa hearing ang umano’y identity theft at sex trafficking na kinasasangkutan ng ilang Chinese.(Daris Jose)

Other News
  • Tuloy ang laban sa sakit at ‘di susuko: KRIS, nagawa pang ireto ang kaibigan doktor kay CARLA

    MULI ngang nagbigay ng health update ang TV host-actress na si Kris Aquino pamamagitan ng kanyang official Instagram account.     Meron na namang nakita na bagong autoimmune disease sa kanyang katawan.     Inamin ni Kris, na humina ang kanyang katawan at nabawasan din ang timbang, kasabay pa nawala ang gana niya sa pagkain. […]

  • Resources para sa South Commuter Railway Project, gagamitin ng maayos; ima-maximize- PBBM

    TINIYAK ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa publiko na gagamitin ng maayos ng gobyerno  ang bawat resources para sa  South Commuter Railway Project .     “With the signing of these packages, we demonstrate to our people that we are serious about pursuing large projects for infrastructure to foster growth and revitalize our economy, in […]

  • Mas madaling medical access sa mga buntis, isinulong

    KAILANGANG maglaan ng mas maraming resources para masigurong may sapat at madaling access sa health services ang mga kababaihan sa kanilang pagdadalang-tao at panganganak,     Reaksyon ito ni AnaKalusugan Party-list Rep. Ray Reyes matapos mapansin ng United Nations Population Fund (UNFPA) Philippines na nasa 6-7 pinay ang namamatay sa pagbubuntis at panganganak dala na […]