• December 5, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Morale ng PNP, mataas pa rin kahit may isyu kay Nuezca

PLANO ng Philippine National Police (PNP) na palagiang magsagawa ng neuro examination sa kanilang hanay.

Sa Laging Handa public press briefing ay sinabi ni PNP Spox PGen Ildebrandi Usana na posible na nila itong isagawa ngayon kada anim na buwan o kada isang taon.

Aniya, layon nito na masuring mabuti ang behaviour ng isang pulis.

Ani Usana, sadyang napaka stressful kasi ng trabaho ng isang pulis na kung minsan ay napapabayaan na nito ang sarili nyang pamilya kung kaya’t mahalagang masuri ang kanilang mentalidad upang matukoy kung sila ay nasa katinuan pa.

Reaksyon ito ng kalihim matapos ang nangyaring karumal dumal na pagpatay ni Police Sr Master Sgt Jonel Nuezca sa mag inang Gregorio sa Tarlac noong Linggo kung saan ginamit ng suspek ang kanyang service fire arm sa pagpatay sa mga biktima.

Sa kasalukuyan, isinasagawa ang neuro exam sa hanay ng Pambansang Pulisya sa recruitment, schooling at kanilang promotion lamang.

Samantala, hindi naman bumaba ang morale ng Pambansang Pulisya sa kabuuan.

Sinabi ni Usana na mandato pa rin ng Pambansang Pulisya na protektahan ang estado.

Kasunod nito, marami din aniyang accomplishments ang PNP tulad ng pagkakakumpiska kamakailan ng higit P200M halaga ng shabu na dapat din namang tignan o kilalanin ng publiko.

Nauna nang kinondena ng pamunuan ng PNP ang pamamaril ni Nuezca sa mag inang Gregorio kung saan tiniyak nilang maigagawad ang hustisya sa mga biktima. (Daris Jose)

Other News
  • Concepcion, tinapik ang health, economic experts bilang advisory group na gabayan ang pribadong sektor

    TINAPIK ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion  ang  health at economic experts  bilang mga advisory group na gabayan ang pribadong sektor  habang ang bansa ay kumikilos tungo sa pagiging normal matapos ang pakikipaglaban sa COVID-19 pandemic.     Sa katunayan, sinabi ni Concepcion na may nakatakda siyang pagpupulong kasama ang mga eksperto sa larangan […]

  • The Glory of the Cross

  • Ads September 28, 2020