• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Morales hindi sisibakin ni Duterte– Palasyo

Hindi umano sisibakin ni Pangulong Rodrigo Duterte si Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) general manager Ricardo Morales hangga’t walang ebidensyang sangkot ang retiradong heneral sa korupsyon sa insurance corporation.

 

Ginawa ni Presidential Spokesman Harry Roque ang pahayag matapos matanong kung dapat bang magbitiw na si Morales sa kanyang pwesto kasunod ng alegasyong malawakang katiwalian sa insurance corporation.

 

Sinabi ni Sec. Roque, bahala na si Morales na magdesisyon lalo nabanggit na ni Pangulong Duterte na hindi tatanggalin ang pinuno ng PhilHealth kung walang patunay sa mga alegasyon.

 

Ayon kay Sec. Roque, hintayin na lamang ang resulta ng imbestigasyon ng Senado gayundin sa hiwalay na imbestigasyon ng Presidential Management Staff (PMS).

 

Kapag nailabas na umano ang ebidensya, tiyak na aaksyon na rito si Pangulong Duterte.

 

“That’s really up to him. I am not in the position to tell him what to do. The President has said that he will not fire him unless there is evidence and I think the Senate now is in the process of documenting this evidence,” ani Sec. Roque. (Daris Jose)

Other News
  • P10.4 bilyon nawawalang ayuda itinanggi ng DSWD

    Tahasang itinanggi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang akusasyon ni Senador Manny Pacquiao na may nawawalang P10.4 bilyong pondo buhat sa ‘social amelioration program (SAP)’.     Sinabi ni DSWD spokesperson Irene Dumlao na handa ang ahensya na humarap sa anumang imbestigasyon ukol sa SAP fund.     “Nais din natin bigyan […]

  • Labis-labis ang pasasalamat sa GMA-7: WILLIE, nilinaw ang balitang kumukuha na ng mga stars para sa bagong TV network

    BAGO tuluyang nagpaalam si Willie Revillame last Friday sa Wowowin: Tutok To Win, ipinahayag muna niya ang labis-labis at taos-pusong pasasalamat kay Atty. Felipe L. Gozon at sa management ng GMA Network na naging tahanan niya for almost eight years.      Nilinaw ni Willie na hindi totoo ang mga balitang kumukuha na siya ng […]

  • CSC sa Christmas party sa gobyerno: No public funds, sundin ang ethical standards

    PINAALALAHANAN ng Civil Service Commission (CSC) ang mga ahensiya ng gobyerno na magdaraos ng Christmas o year-end party, binigyang diin na dapat ay ‘no public funds’ na gagamitin at kailangan na sundin ang ethical standards.       Sinabi ni CSC Commissioner Aileen Lourdes Lizada na hindi maaaring gamitin ang pondo ng gobyerno para sa […]