• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

More than 8 million na ang followers: JOSHUA, ‘di akalain na ganun katindi ang magiging reaksyon ng netizens

MORE than 8 million na ang followers ngayon ng kapamilya aktor na si Joshua Garcia sa kanyang TikTok account.

 

 

 

Hindi raw akalain ng aktor na ganun katindi ang magiging reaksiyon ng mga netizens sa kanyang uploaded video.

 

 

 

Matatandaang December 2021 nang unang mag-upload si Joshua ng kanyang dance video.

 

 

 

“Actually, no’ng sobrang fresh pa ng pag-upload ko ng video, sobrang gulat na gulat ako. Tapos tuwang-tuwa ako sa mga tao kapag pinapagawa nila sa mga boyfriend nila.

 

 

 

“Tawang-tawa ako kapag pinagtitripan nila ‘yung video ko,” banggit pa ni Joshua.

 

 

 

Sobrang bisi ngayon si Joshua sa mga ginagawa niyang proyekto Kasalukuyang ipinapapabas ang teaser ng pelikulang Un/Happy For You na kung saan bida sina Joshua at ang dating kasintahan na si Julia Barretto.

 

 

 

Ayon pa kay Joshua ay hindi raw nagdalawang-isip ang binata na tanggapin ang bagong pelikula.

 

 

 

Nang nalaman ko ‘yung project, sabi ko yes agad. Kasi ang tagal na rin kasi ng agwat ng panahon na nag-work kami before.

 

 

 

“Kasi mga teenager kami. Ngayon I can say nag-mature na rin kami. Lumaki na kami, literal. Exciting lang, nagkanya-kanya kaming journey parang ngayon magbabalikan kami sa pelikula,” dagdag pahayag pa rin ng sikat na aktor.

 

 

 

Bukod sa nabanggit na movie ay gagawin din ni Joshua ang “It’s Okay To Not Be Okay” kasama sina Anne Curtis at Carlo Aquino.

 

 

 

Nakatakdang ipalabas sa Netflix ang Philippine adaptation ng naturang Korean drama.

 

 

 

“Sa ngayon nagpo-focus muna ako sa role ko. Sana mabigyan ko ng justice ‘yung role ko.

 

 

 

“Kasi mas maikukwento namin ‘yung kabuuan ng istorya kasi mas mahaba ‘yung atin.

 

 

 

“Nag-prepare ako ngayon, nag-workout ako ngayon pero I think mas malaki ‘yung importansya na emotionally prepared kami.

 

 

 

“Kasi iba rin ‘yung ita-tackle naming istorya. Medyo sensitive kasi siya,” pagkukuwento pa ni Joshua.

 

 

 

***

 

 

 

PINAG-USAPAN kamakailan at nag trending ang kissing scenes nina Kim Chiu at Paulo Avelino sa ‘What’s Wrong with Secretary Kim?’

 

 

 

Marami ang kinilig sa mga tagahanga ng tambalang Kim-Pau sa balikan ng dalawa sa nabanggit na serye.

 

 

 

“Grabe, gano’n sa Korea, ginagaya lang namin. Siyempre may taste of Pinoy, ‘yon ‘yung taste, charot!” natatawang banggit pa ni Kim sa ABS-CBN News.

 

 

 

İnamin pa rin ng aktres na nahirapan sila ni Paulo na gawin ang maseselang eksena.

 

 

 

“Mahirap siyempre, sobrang hirap. Parang ‘yon na yata ang pinaka-intense kong ginawa for my entire career.

 

 

 

“Pero as artista, one take na lang para isahan na lang,” giit ng dalaga.

 

 

 

Pagkukuwento pa rin ni Kim na talagang inalalayan siya ng aktor habang ginagawa ang halikan nilang eksena. Sabi pa rin ni Kim na ganun na lang ang ginawang pagpapaalam ni Paulo sa kanya ng aktor bago kunan ang kanilang eksena.

 

 

 

“Nagpaalam siya in so many ways. Dito ganito, may rehearsal naman kami. Hindi namin ni-rehearse (‘yung kissing), ‘yung choreography, placing ng kamay, para sa sining, as an artist,” lahad pa rin ng super sikat na si Kim Chiu.

 

 

 

 

(JIMI C. ESCALA)

Other News
  • Sunud-sunod na sinagot ang mga isyu sa kanya… VICE GANDA, nagbirong aalis na sa ‘It’s Showtime’ kaya may contract signing

    IKINALOKA ng mga netizens sa bagong pasabog ng Phenomenal Box-office Star na si Vice Ganda tungkol sa mga dahilan ng pag-absent niya sa “It’s Showtime” lalo na sa grand finals ng “Miss Q&A” last Saturday.     Sunud-sunod ang naging Twitter post ng TV host-comedian para patulan ang tanong isang netizen na kung ano ang […]

  • Ads February 27, 2024

  • Pagdating sa bansa ng bakuna laban sa Covid-19 ngayong buwan, V-day gift para sa mga Filipino- Sec. Roque

    ITINUTURING ng Malakanyang na Valentine’s gift sa mga mamamayang Filipino ang inaasahang pagdating ng bakuna laban sa Covid -19 sa bansa at pagsisimula na maiturok ito sa mga itinuturing na frontliners.   Kasama sa numero unong prayoridad ang mga nagtratrabaho sa mga pampubliko at pribadong health facilities, ospital, contact tracers ng mga local government units […]