• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Most wanted person sa pagpatay nalambat sa Navotas

SA kalaboso ang bagsak ng isang mister na listed bilang most wanted sa kasong murder matapos malambat ng pulisya sa manhunt operation sa Navotas City, kamakalawa ng hapon.

 

 

Kinilala ni Navotas police chief P/Col. Dexter Ollaging ang naarestong suspek bilang si Raul Sioson, 56 ng Brgy. NBBN ng lungsod.

 

 

Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) District Director PBGEN Ponce Rogelio Peñones Jr, sinabi ni Col. Ollaging na dakong alas-2:05 ng hapon nang maaresto ng mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section (WSS) at IDMS ng Navotas police si Sioson sa manhunt operation in relation to S.A.F.E. NCRPO sa Kalatog Pinggan St., Barangay NBBN.

 

 

Ani Ollaging, unang nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng WSS na naispatan ang presensiya ng akusado sa kanilang lugar kaya agad silang nagsagawa ng police operation.

 

 

          Si Sioson ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Regional Trial Court (RTC) Branch 74, Malabon City, noong September 19, 2018 para sa kasong Murder. (Richard Mesa)
Other News
  • Kamara, magsasagawa ng espesyal na pagdinig hinggil sa oil price hikes

    NAKATAKDANG magsagawa ng espesyal na pagdinig ang House of Representatives sa darating na Marso 9, sa susunod na linggo.     Ito ay may kaugnayan pa rin sa nakaka-alarmang walang humpay na pagtaas ng presyo ng langis sa bansa.     Ayon kay Ways and Means Committee chairperson at Albay Representative Joey Salceda, tatalakayin sa […]

  • BLACK DIABLOS RISE IN FIRST ‘MONSTER HUNTER’ TEASER TRAILER

    FANS of the ‘Monster Hunter’ game franchise will be hyped by this teaser!   She’s found her prey. Watch out for the Black Diablo in the first tease for Columbia Pictures’ upcoming fantasy action thriller Monster Hunter, in Philippine cinemas soon. https://www.youtube.com/watchv=wnHSjV1c0Ss&feature=emb_logo   Based on the global video game series phenomenon, Monster Hunter is written […]

  • Malakanyang, pinabulaanan na may exodus sa mga POGO

    ITINATWA ng Malakanyang na may exodus sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) sa gitna ng COVID-19 crisis.   Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na malinaw ang requirements ng Department of Finance (DOF) para sa muling pagbabalik ng POGO operations.   Iyon nga lamang aniya ay may ilang POGO firms na bigong magbayad ng kanilang […]