Motor banca na may sakay na 13 pasahero, tumaob sa Boracay
- Published on March 2, 2020
- by @peoplesbalita
TUMAOB ang isang motor banca sa bisinidad ng Puka Beach sa Barangay Yapak, Boracay Island noong Biyernes, Pebrero 28.
Rumesponde ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) Sub-Station at Special Operations Unit-Aklan sa tumaob na “Fantastrip Noel” dakong alas-11:46 ng umaga.
Ayon sa PCG, habang umaangkla, sinalpok ng malalaking alon ang “Fantastrip Noel” kaya kinailangan itong i-tow sa dagat ng kapatid na motor banca na “Fanstrip Nikki”.
Sa kasamaang-palad, naputol ang nag-uugnay sa dalawa na lubid kaya naiwan sa baybayin ang “Fanstrip Noel” kung saan ito tumaob.
Nasagip ang sampung pasahero at tatlong crew member na sakay nito at nasa maayos na kondisyon.
-
Panukala na gawing mail at postal voting ang sistema ng halalan sa 2022, posible -Malakanyang
POSIBLENG idaan sa mail voting at postal voting lalo na sa mga senior citizens at persons with disabilities o PWD’s ang gagawing botohan para sa darating na 2022 national elections. Sinabi ni presidential spokesper- son Harry Roque, baka kailanganin ng bansa na magpatupad ng ganitong pamamaraan ng halalan kung saan ginagawa na rin aniya […]
-
PBBM sa GDP growth: Sumasalamin na ang mas maraming eco activity
WELCOME kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang 7.6% gross domestic product growth (GDP) sa third quarter ng bansa. Ang pigura ayon sa Pangulo ay mas mataas kumpara sa pagtatantya ng gobyerno. “That’s a very good news for us. That’s actually a little higher than our estimates of 6.5 to 7.5 (%) […]
-
PBBM sa PCSO na may 90 taon na serbisyo: Patuloy na tulungan ang mga nangangailangan
NANAWAGAN si Pangulong President Ferdinand R. Marcos Jr. sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na patuloy na tupdin ang kanilang mandato na tulungan ang mga ‘vulnerable Filipino’ habang pinuri naman ang nasabing ahensiya ng pamahalaan para sa “remarkable” na siyam na dekadang serbisyo. Sa pagsasalita sa 90th anniversary celebration ng PCSO sa Manila Hotel, […]