• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Motor banca na may sakay na 13 pasahero, tumaob sa Boracay

TUMAOB ang isang motor banca sa bisinidad ng Puka Beach sa Barangay Yapak, Boracay Island noong Biyernes, Pebrero 28.

 

Rumesponde ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) Sub-Station at Special Operations Unit-Aklan sa tumaob na “Fantastrip Noel” dakong alas-11:46 ng umaga.

 

Ayon sa PCG, habang umaangkla, sinalpok ng malalaking alon ang “Fantastrip Noel” kaya kinailangan itong i-tow sa dagat ng kapatid na motor banca na “Fanstrip Nikki”.

 

Sa kasamaang-palad, naputol ang nag-uugnay sa dalawa na lubid kaya naiwan sa baybayin ang “Fanstrip Noel” kung saan ito tumaob.

 

Nasagip ang sampung pasahero at tatlong crew member na sakay nito at nasa maayos na kondisyon.

Other News
  • BI, NAGBABALA LABAN SA MGA FIXERS

    NAGBABALA ang pamunuan ng Bureau of immigration sa lahat ng dayuhan na huwag makipagtransaksyon sa serbisyo ng mga “fixers” sa pagpro-proseso ng kanilang mga dokumento.     Ito ang sinabi ni BI Commissioner Norman Tansingco bunsod sa mga ulat na kanilang natanggap na ilang indibidwal ang nag-aalok ang kanilang  serbisyo sa mga dayuhan na mag-ayos […]

  • Dahil sa nag-out na bilang gay: ‘Stranger Things’ star na si Noah Schnapp, ramdam na ang kalayaan

    SA bansang Nepal nagpakita ng kanyang kakisigan ang Kapuso hunk na si Yasser Marta.     Noong nakaraang New Year ay bumiyahe sa bansang Nepal si Yasser at in-enjoy niya ang mag-hiking sa magagandang bundok doon. Sa kanyang Instagram ay pinost niya ang breathtaking view ng Himalayas na pinusuan ng kanyang followers.     Pero […]

  • Mas mataas na singil sa kuryente, nakaamba ngayong Mayo

    MAY nakaambang pagtataas ng singil sa kuryente ngayong buwan, bunsod na rin ng inaasahang pagtaas ng power prices mula sa wholesale electricity spot market at iba pang suppliers.     Ayon kay Manila Electric Co. (Meralco) spokesperson Joe Zaldarriaga, may bagong gastusin na idaragdag sa power rates na maaaring mag-reflect ngayong May billing.     […]