Motor vehicle inspection kailangan bago ang rehistro sa LTO
- Published on July 15, 2021
- by @peoplesbalita
Muling nagbigay ng paalala ang Land Transportation Office (LTO) sa mga motorista na kailangan ang motor vehicle inspection bago ito marehistro.
May option ang mga motorista kung gusto nilang tingnan ng isang awtorisadong private motor vehicle inspection center (PMVIC) o ng LTO ang kanilang mga sasakyan.
Ayon sa LTO parehas na lamang ang presyo ng inspection para sa roadworthiness sa PMVIC at pribadong emission testing center (PETC).
Sa ilalim ng Philippine Air Act, ang mga sasakyan ay kinakailangan na magkaron din ng inspeksiyon ng roadworthiness sa isang PMVIC kung saan ito ay libre lamang dahil ang emission testing ay kasama na sa mga sunod-sunod na testing para sa safety at roadworthiness ng isang sasakyan.
“We can prevent the unnecessary loss of lives and properties on our roads just by making sure that the vehicles are safe and roadworthy. A road crash can happen anytime. An unsafe vehicle on the road can kill and deadly as a vehicle driven by a drunk driver. A poorly maintained vehicle can experience mechanical failures that may end into a terrible crash,” wika ni Department of Transportation (DOTr) usec Arturo Tuazon.
Ang inspeksiyon na ginagawa ng mga testing centers ay naaayon sa adhikain ng DOTr na ang mga sasakyan na tumatakbo sa mga kalsada ay siguradong safe at roadworthy.
Mula sa datus ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA)-TEC-Road Safety Unit noong 2019, nagkaron ng 121,771 road crashes sa Metro Manila o 334 na cases kada araw. Sa datus na ito, ang naitalang patay ay 372 habang may 20, 466 na nagkaron ng non-fatal injuries. Mayron naman naitalang 100,933 na nasira ang mga ari-arian.
Samantala, sinabi ni Tuazon na sa ginawang opinyon ng Office of the Solicitor General (OSC) ay wala ng balakid sa legality na ang mga sasakyan ay sumailalim sa motor vehicle inspections para sa safety at roadworthiness bilang bahagi ng requirement sa proseso ng pagrerehistro sa LTO.
“Based on the OSG’s opinion, the DOTr and LTO have the authority to ensure the roadworthiness of motor vehicles under Administrative Code of 1987, LTO charters, and other laws,” dagdag ni Tuazon.
Sa ilalim pa rin ng opinyon ng OSG’s, sinasabi rito na ang LTO at DOTr ay maaaring magbigay legally ng authorization sa mga PMVICs na magsagawa ng inspeksiyon ng mga sasakyan na nababatay sa mga administrative issuances. (LASACMAR)
-
Sen. Ping Lacson, kumalas na sa Partido Reporma, Robredo na ang susuportahan sa pagkapangulo
NAG-ANUNSYO na ng kanyang pagbibitiw mula sa Partido Reporma ang presidential candidate na si Sen. Panfilo “Ping” Lacson, kahapon, Huwebes. Nangangahulugan ito na magiging independent candidate na lamang siya. Pero tuloy pa rin umano ang pagtakbo nito para sa presidential race sa darating na Mayo 9, 2022. Si Lacson, […]
-
Sec. Roque, walang narinig na binatikos mula kay Pangulong Duterte para kay Mayor Isko
HINDI maunawaan ni Presidential Spokesperson Harry Roque kung bakit binabatikos ng progressive group na Makabayan bloc si Pangulong Rodrigo Roa Duterte gayong hindi naman pinangalanan ng Chief Executive ang Alkalde na sinasabi niyang “disorganisado” sa pagbibigay ng ayuda at pagtatakda ng bakuna sa kanyang mga nasasakupan. Nauna nang sinabi ng militanteng grupong makabayan na […]
-
Ads April 13, 2022