• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Motorcycle taxis babalik sa operasyon

PINAYAGAN na ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Disease (IATF) ang muling operasyon ng motorcycle taxis matapos na ang House of Representatives ay aprobahan ang extension ng pilot study program.

 

Ayon kay Presidential spokesman Harry Roque, ang IATF ay pumayag sa muling operasyon ng motorcycle taxis study na ipapatupad at subaybayan ng National Task Force Against COVID-19 (NTF) at ng Department of Transportation (DOTr).

 

Kailan lamang ang House ay iginiit sa IATF,NTF at DOTr na kanilang palawigin pa ang pagsasagawa ng motorcycle taxi pilot study program. Dahil dito mapapayagan ang Singaporean-owned Angkas at JoyRide na muling bumalik sa kanilang opersyon.

 

“The Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) will be issuing the guidelines as soon as possible,” wika ni Roque.

 

Bago pa ang lockdown noong March, ang pag-aaral tungkol sa motorcycle taxis ay ginagawa upang malaman kung okay ito na maging isang public transport dahil sila ay hindi puwedeng mag operasyon sa ilalim ng Republic Act 4136 o ang tinatawag na Land Transportation and Traffic Code.

 

Sinabi naman ni Sen. Grace Poe na ang pagbabalik ng motorcycle taxi sa operasyon ay makakatulong upang madagdagan ang public transport at upang maibsan ang paghihirap ng mga commuters sa pagsakay lalo na ang mga mangagawa na nagsisikap na magkaron ng kita sa araw-araw kahit na may pandemic.

 

Nilinaw naman ni Poe na siyang chairman ng Senate committee on public services, na ang guidelines ay kinailangan malinaw at mahigpit na tutupad sa health at safety protocols upang masigurado na ang riders ay protektado sa buong trip.

 

“Regular disinfection, wearing of face mask and using own helmet are among the measures that would be complied with by the riders. Safety remains the primordial concern as motorcycle taxis return to the streets,” ayon kay Poe.

 

Ang DOTr naman ay kanilang pupulungin ang technical working group matapos na bigyan ng green light ng IATF ang motorcycle taxis na muling bumalik sa kanilang operasyon.

 

Sinabi naman ni assistant secretary Goddes Libiran na ang DOTr ay handang sumunod sa desisyon ng Cabinet, Congress at IATF na muling mag operate ang motorcycle taxis.

 

“We will be ready to implement the IATF decision anytime we receive the minimum health standards and guidelines from NTF,” wika ni Libiran.

 

Dagdag pa ni Libiran na mayron ng dati pa na guidelines subalit kailangan pa rin ang tulong ng NTF para sa minimum health protocols upang masiguro na maiiwasan ang pagkalat ng corona virus. (LASACMAR)

Other News
  • Efren ‘Bata’ Reyes nag-sorry na dahil sa paglabag sa health protocols

    Nag-sorry na si Billiard legend Efren ‘Bata’ Reyes matapos ang paglabag sa social distancing ng mga nanood sa kaniyang laro sa San Pedro city, Laguna.     Sa kaniyang sulat sa Games and Amusement Board, na lubos itong humihingi ng paumanhin.     Hindi aniya nito kontrolado ang sitwasyon dahil bigla na lamang dumami ang […]

  • Yulo maghahasa pa sa 2-3 torneo pa-Olympics

    MAY dalawa hanggang tatlong kompetisyon pang lalahukan si Carlos Edriel ‘Caloy’ Yulo bago sumalang pangarap ng lahat ng atleta na 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan na inurong lang sa darating na Hulyo 2021 dahil sa Covid-19.   Nabatid kamakalawa kay Gymnastics Association of the Philippines (GAP) president Cynthia Carrrion-Norton, na gaganapin sa Marso-Hulyo […]

  • Presyo ng karneng baboy sa merkado sa Metro Manila, hindi pa gaanong apektado ng ASF

    HINDI pa gaanong ramdam ang epekto ng African Swine Fever sa presyo at supply ng karneng baboy dito sa bahagi ng Pasay Public Market.     Sa katunayan ay bahagyang bumaba pa ang presyo nito kumpara noong nakaraang buwan.     Ngunit kung mapapansin, nasa limangput apat na probinsya na ang apektado ng African Swine […]