• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Motorista inabisuhan ng CAVITEX sa toll pay hike simula sa Mayo 12

NAG-ABISO ngayon sa mga motorista sa Metro Manila ang kompaniyang CAVITEX Infrastructure Corp. na ipapatupad na simula sa Huwebes, Mayo 12 ang pagtataas ng toll rates sa CAVITEX Paranaque toll plaza.

 

 

Ayon sa kompaniya inaprubahan na ng Toll Regulatory Board (TRB) ang toll pay hike kasunod nang pagpapatupad din ng mga pagbabago at pagpapanda ng mga pasilidad at kalidad ng CAVITEX highways.

 

 

Sa pagpapatupad ng bagong rates, ang mga motorista ay magbabayad ng mga sumusunod na VAT-inclusive rates: P33 para sa Class 1 vehicles mula sa dating P25.00; P67 para sa Class 2 mula sa dating P50.00; at P100.00 para sa Class 3 mula sa dating P75.00.

 

 

“The approved petitions translate to Php 4.62 VAT-exclusive rate per kilometer for Class 1 vehicles; Php 9.24 for Class 2; and Php 13.86 for Class 3 vehicles traversing the 6.48-kilometers R-1 Expressway (from CAVITEX Longos, Bacoor entry to MIA exit, and vice versa) beginning 12:00 AM of May 12,” bahagi ng CAVITEX statement. “To help public utility vehicle (PUV) operators and drivers cope with the change, CIC and JV partner PRA will be providing them toll rate reprieve through a rebate program that will allow them to continue enjoying the old rates for the next three months.”

Other News
  • Paalala ng CHR: listahan ng mga unvaccinated residents hindi dapat lumabag sa ‘right to privacy’

    PINAALALAHANAN ng Commission on Human Rights (CHR) ang mga barangay officials na hindi dapat mauwi sa paglabag sa “right to privacy” ng mga residente na makakasama sa listahan ng mga hindi bakunado.     Ang panawagan na ito ni CHR spokesperson and lawyer Jacqueline Ann de Guia ay matapos na magpalabas ang Department of the […]

  • Putin, nililigaw ng kanyang sariling military advisers sa tunay na nangyayari sa Ukraine – US

    HINDI  rin aniya sinasabi kay Putin ang full impact ng sanctions sa ekonomiya ng Russia.     Habang ayon naman sa British intelligence ang Russian troops sa Ukraine ay na-demoralise na, kapos sa mga kagamitang pandigma at tumangging sumunod sa order ni Putin.     Wala pa namang inilalabas na komento sa ngayon ang Kremlin […]

  • Ban sa e-bikes, e-trikes, tricycle sa National roads sa NCR iiral na sa Abril 15

    NAKATAKDA nang magsimula sa Abril 15 ang pagbabawal sa mga e-bikes, e-trikes, at tricycles sa mga national roads sa National Capital Region (NCR).     Mismong si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Romando Artes ang nagkumpirma nito sa isang pulong balitaan .     Ayon kay Artes, “We will implement ito by April 15.But […]