• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MOTORSIKLO SUMALPOK SA KOTSE, RIDER TODAS

NASAWI ang isang rider matapos dumulas at sumemplang ang minamanehong motorsiklo saka sumalpok sa isang papalikong kotse sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

 

 

Dead on arrival sa Caloocan City Medical Center sanhi ng tinamong pinsala sa ulo at katawan ang biktima na kinilalang si Juanito Angala, 44-anyos, may-asawa at residente ng Blumentrit Extension, Sampaloc Manila.

 

 

Nahaharap naman sa kasong Reckless Imprudence Resulting in Homicide with Damage to Property ang driver ng Toyota Vios na kinilalang si Francisco Manuel, 53, taxi driver at residente ng San Basilio Santa Rita Pampanga.

 

 

Sa imbestigasyon ng pulisya, ang insidente ay naganap dakong alas-8:40 ng Linggo ng gabi sa kahabaan ng Rizal Avenue Extention corner 3rd Avenue, Brgy. 45 ng nasabing lungsod.

 

 

Binabagtas ng biktima ang naturang lugar patungong Manila lulan ng kanyang minamanehong motorsiklo at pagsapit sa kanto ng 3rd Avenue ay aksidente siyang dumulas dahil sa madulas na kalsada.

 

 

Sumemplang umano ang biktima bago sumalpok sa kanang bahagi ng papalikong kotse na naging dahilan upang magtamo ito ng matinding pinsala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan kaya’t agad siyang isinugod sa naturang pagamutan subalit, hindi na rin umabot ng buhay. (Richard Mesa)

Other News
  • SCTEX nagtaas ng toll

    NAGBIGAY na ng abiso ang pamunuan ng North Luzon Expressway Corp na siyang namamahala sa SCTEX na magkakaron ng pagtataas ng toll simula ngayon June 1.       Binigyan ng Toll Regulatory Board (TRB) ang pagtataas ng go-signal ng 78 centavos kada kilometro. Ang nasabing pagtataas ng toll ay naaayon sa confirmed periodic rate […]

  • KRIS, kinumpirmang naghiwalay na sila ni MEL matapos ma-engage last year; humihingi ng respect and privacy

    NOONG Lunes, January 3, kinumpirma ni Kris Aquino ang paghihiwalay nila former Interior Secretary Mel Sarmiento matapos na sila’y ma-engage last October, 2021.     Sabi niya, “Sa pinagdadaanan ko ngayon, may tao bang gustong pag–usapan pa ang kanyang paghihiwalay?     “But in order for me to be able to peacefully move on, and […]

  • Miyembro ng “Andaya Criminal Group”, tiklo sa baril at granada sa Caloocan

    ISANG miyembro umano ng “Andaya Criminal Group” na sangkot sa pagbebenta ng baril sa Northern Part ng Metro Manila ang arestado sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Caloocan City.     Kinilala ang naarestong suspek bilang si Jun Lemana alyas “Bay”, 39, vendor ng 43 Ovalleaf Maligaya street, Parkland Brgy., 177 ng lungsod. […]