MOU para i-to develop ang New Clark City kabilang sa tinintahan ng Pinas, Singapore
- Published on September 10, 2022
- by @peoplesbalita
KAPWA pinirmahan ng Pilipinas at Singapore ang iba’t ibang memoranda of understanding (MOU) at agreements sa isinagawang state visit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Singapore.
Maliban sa MOU sa digital cooperation, data protection at recruitment ng mga Filipino healthcare workers, ang iba pang kasunduan na nilagdaan ay ang kolaborasyon ng “business opportunities” para sa development ng New Clark City at maging ang water collaboration.
Kabilang sa kasunduan ay ang Memorandum of Understanding sa pagitan ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ng Pilipinas at Ministry of Communications and Information ng Singapore sa larangan ng digital cooperation; at
– Joint Communiqué sa pagitan ng Department of Migrant Workers ng Pilipinas at Ministry of Health ng Singapore hinggil sa recruitment ng Filipino healthcare workers.
May apat na MOU din ang tinintahan gaya ng Memorandum of Understanding on Cooperation in Personal Data Protection sa pagitan ng National Privacy Commission ng PIlipinas at Personal Data Protection Commission ng Singapore; Memorandum of Understanding sa pagitan ng Bases Conversion and Development Authority ng Pilipinas at at Enterprise Singapore para sa Singapore at ang Pilipinas na makipag-collaborate sa business opportunities sa development ng New Clark City;
– Memorandum of Understanding sa pagitan ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System ng PIlipinas at Public Utilities Board ng Singapore pagdating sa water collaboration; at – Arrangements o pagsasa-ayos sa pagitan ng Singapore Armed Forces at Armed Forces of the Philippines na may kinalaman naman sa asignasyon o pagtotoka ng team sa Regional Counterterrorism Information Facility sa Singapore. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)
-
80 individuals kinasuhan ng PNP dahil sa pagpapakalat ng fake news ngayong pandemic
Nasa 80 indibidwal ang sinampahan ng kaso ng Philippine National Police (PNP) dahil sa iba’t ibang cybercime cases ngayong panahon ng pandemya. Ayon kay PNP Chief Police General Guillermo Eleazar, nasa kabuuang 121 na criminal complaints ang isinampa nila sa ibat ibang korte laban sa 80 indibidwal. Kasama sa mga kaso […]
-
POKWANG, Kapuso artist na rin after lumipat sa Kapatid network; ano kaya ang magiging project?
ANO kaya ang programang ibibigay ng GMA 7 sa bagong Kapuso artist na si Pokwang? After lumipat sa Kapatid network ay official Kapuso artist na ang komedyana matapos na ito ay pumirma sa GMA 7. Siya ang latest sa mga dating Kapamilya talents na lumipat ng tahanan at tinanggap bilang mga […]
-
Travel restrictions na nakataas sa mahigit 30 bansa, magtatapos na sa Enero 31; hindi na pinalawig ng Pilipinas- Sec. Roque
NAGDESISYON ang Pilipinas na hindi na palawigin pa ang travel restrictions sa mga dayuhan mula sa mahigit 30 bansa na nakapagtala ng kaso ng bagong coronavirus variants. Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na mananatili na lamang ng hanggang Enero 31, 2021 ang nasabing travel restriction at nakatakdang magtapos sa nasabing petsa. Gayunpaman, […]