• June 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Travel restrictions na nakataas sa mahigit 30 bansa, magtatapos na sa Enero 31; hindi na pinalawig ng Pilipinas- Sec. Roque

NAGDESISYON ang Pilipinas na hindi na palawigin pa ang travel restrictions sa mga dayuhan mula sa mahigit 30 bansa na nakapagtala ng kaso ng bagong coronavirus variants.

 

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na mananatili na lamang ng hanggang Enero 31, 2021 ang nasabing travel restriction at nakatakdang magtapos sa nasabing petsa.

 

Gayunpaman, sinabi pa ni Sec. Roque, na ang lahat ng mga dayuhan na hindi papayagang pumasok ng bansa kabilang na ang may hawak ng tourist visas ay mananatiling bawal pa rin na pumasok ng bansa.

 

Habang ang mga papayagan lamang na makapasok ng bansa ay kailangan na kumpletuhin ang kanilang 14-day quarantine.

 

Matatandaang, unang nagpatupad ng travel restrictions ang Pilipinas noong Disyembre 24 kung saan tanging ang sakop lamang nito ay ang United Kingdom, kung saan pa rin ay mayroong “more transmissible variant” na unang na-detect.

 

Lumawig na lamang ang nabanggit na trave restrictions sa 34 na bansa kabilang na ang Denmark, Ireland, Japan, Australia, Israel, The Netherlands, China ( kabilang na ang Hong Kon), Switzerland, France, Germany, Iceland, Italy, Lebanon, Singapore, Sweden, South Korea, South Africa, Canada, Spain, United States, Portugal, India, Finland, Norway, Jordan, Brazil, Austria, Pakistan, Jamaica, Luxembourg, Oman, UAE, Hungary at Czech Republic.

 

Samantala, sa hiwalay na kalatas ay sinabi ni Sec. Roque na ang lahat ng mga dayuhan na papayagang pumasok sa Pilipinas ay kailangan na sumunod sa ilang alituntunin na magsisimula sa Lunes, Enero 31.

 

” Arriving foreigners should have valid and existing visas at the time of entry, except for those qualified under the Balikbayan program of the government,” ayon kay Sec. Roque.

 

“Incoming foreigners should also have a pre-booked accommodation for at least seven nights in an accredited quarantine hotel or facility and be subject to COVID-19 testing at the quarantine hotel or facility on the sixth day from the date of their arrival, ” dagdag na pahayag ni Sec. Roque.

 

Sinabi pa ni Sec. Roque na ang pagpasok ng mga foreign nationals ay “subject to the maximum capacity of inbound passengers at the port and date of entry.”

 

Inaprubahan naman ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF), ang bagong guidelines o alituntunin na napagkayarian sa naging pulong nito, araw ng Huwebes. (Daris Jose)

Other News
  • Utah Jazz may 3 wins na matapos malusutan sa double overtime ang Pelicans

    NANANATILING  malinis ang record ng Utah Jazz ngayong bagong seaon ng NBA matapos na manalo na naman at ang panibagong nabiktima ay ang New Orleans Pelicans sa iskor na 122-121 na umabot sa double overtime game.     Kumamada ng 31 points, 12 rebounds ang Finnish basketball player ng Jazz na si Lauri Markkanen para […]

  • Alam ng mga anak kung paano i-push ang button: YAYO, madaling maiyak ‘pag napag-uusapan ang pamilya

    SA ‘Padyak Princess’ ng TV5 ay isang single mother, si Selma, ang papel ng aktres na si Yayo Aguila.         Sa tunay na buhay, paano nakaka-relate si Yayo sa kanyang papel?         Lahad ni Yayo, “Ano, sa akin, madali lang, hindi ko kailangan humugot. Kasi parang sa akin normal […]

  • Mga benepisaryo, kailangang magpakita ng ID o kasama sa listahan ng barangay

    SINABI ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na kailangang magpakita ng official identification card ang isang aid beneficiary o kaya naman ay kasama sa listahan ng barangay para makatanggap ng cash assistance mula sa gobyerno.     Kasunod ito ng alegasyon ng sinasabing “overly strict rules.”     Sinabi ni DSWD Social Marketing […]