• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Movie nila ni Paulo, malapit nang simulan: KIM, thankful and very happy na na-nominate sa ‘ContentAsia Awards’

ISANG malaking karangalan para sa Kapamilya actress na si Kim Chiu na maging nominado sa ContentAsia Awards 2024.

 

Nominated as Best Female Lead in a TV series dahil sa mahusay na pagganap niya bilang si Juliana Lualhati sa ‘Linlang’.

 

“First time kong ma-nominate sa gano’ng award-giving body. Nakakatuwa ‘yung feeling. Being nominated sa ContentAsia Awards, sobrang panalo na talaga ‘yon, na Philippines represents. I’m very thankful and very happy,” banggit pa ni Kim, na ‘di pinalad na makapag-uwi ng tropeo.

 

Nag-umpisa ang pagkakilig ng mga tagahangang KimPau sa seryeng ‘Linlang’.

 

Silang dalawa muli ang magkapareha sa seryeng ‘What’s Wrong with Secretary Kim?’ ngayong taon.

 

Dagdag pa ni Kim na very soon daw ay sisimulan na ang shooting para sa pelikulang ‘My Love Will Make You Disappear’ na kung saan sila muli ni Paulo Avelino ang mga bida.

 

“Sa totoo lang super excited na kami, tapos na ang ghost month. ‘Yung script maihahanda na rin. So slowly gearing up na rin kami to start the movie,” lahad pa ni Kim.

 

Tungkol naman sa isyung lalo raw silang nagkakamabutihan ni Paulo ay natawa lang si Kim.

 

Madalas ding nakikitang magkasama ang dalawa kahit sa pagtakbo at pagbibisikleta.

 

May balak na nga raw silang silang sumali sa isang duathlon competition.

 

“Hindi totoo ‘yon. Nagkataon lang na nag-enjoy din siya mag-bike and run,” napatawa pang sagot agad ni Kim.

 

***

 

NAPANOO namin ang “Her Locket” at karapat-dapat lang na manalo ng almost all of the awards sa “Sinag Maynila Film Festival 2024”.

 

“Her Locket” a Rebecca Chuaunsu Film Production, in cooperation with Rebelde Films ay nagwagi ng walong major awards na ginanap sa Metropolitan Theatre.

 

Nanalong Best Film, Best Actress (Rebecca Chuaunsu), Best Supporting Actress (Elora Españo), Best Ensemble, Best Director(J. E. Tiglao), Best Screenplay, Best Cinematography at Best Production Design.

 

Sa totoo lang. isa sa mabigat na kalaban for best actress si Ms. Rebecca in the next year’s acting derby.

 

Nanalo na rin si Rebecca as Best Actress sa WuWei International Film Festival in Taiwan (held last September 1) and from the 2023 Festival International du Film Transsaharien de Zagora in Morocco.

 

Inspite sa panalo ay napaka-humble pa rin ni Ms. Rebecca.

 

“With the Sinag Maynila best actress award that was bestowed to me, I am most humbled and beyond grateful,” banggit pa ng actress-producer.

 

 

 

(JIMI C. ESCALA)

Other News
  • Nagsimula na ang workshop para sa kanilang movie: SHARON at ALDEN, tuloy na ang pagtatambal at gaganap na mag-ina

    TULOY na tuloy na ang first time na pagtatambal nina Megastar Sharon Cuneta at Asia’s Multimedia Star Alden Richards.     Si Sharon ang nag-post sa kanyang Facebook at Instagram ng: “My new movie is under Cineko Productions and Direk @directfromncn with a script by Mel del Rosario – co-starring my new movie son, the […]

  • Tokyo Olympics organizers, tiniyak na hindi na maantala pa ang torneo

    Ipinakita ang Tokyo Olympic organizers na wala ng dahilan para muli pa nilang kanselahin ang nasabing torneo sa susunod na taon.   Isa aniya sa pagpapatunay ng kanilang kahandaan ay ang pagbabalik sa Tokyo Bay ng The Olympic rings monument.   May taas ito na 15.3 meters at lapad na 32.6 metro na unang inilagay […]

  • Kinilig nang makapasok sa ABS-CBN: Say ni ROCHELLE kay COCO, yumaman lang pero ‘di nagbago

    HINDI maitago ng Kapuso star na si Rochelle Pangilinan ang labis na kasiyahan at pagkakilig na nakapasok at nakatuntong siya sa loob ng ABS-CBN.       Isa si Rochelle sa cast ng 2022 MMFF entry ng Star Cinema na “Labyu with an Accent” na pinagbibidahan nina Coco Martin at Jodi Sta. Maria.     […]