• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Movie nina Janine at JC, mukhang sa Abril na mapapanood sa mga sinehan; ‘Summer Metro Manila Film Festival’, nakabitin na naman

DAHIL postponed na naman ang opening ng mga sinehan ay hindi muna itinuloy ang nakaiskedyul sanang press preview ng Dito at Doon, ang project ng TBA Productions na bida sina Janine Gutierrez at JC Santos.

 

 

May playdate na dapat ang movie pero dahil tumataas na naman ang bilang ng mga Covid-19 cases sa bansa ay muling iminungkahi ng IATF ang pagpapaliban ng theater opening sa April.

 

 

Kaya muling naantala ang showing ng Dito at Doon na unang pagtatambal nina Janine at JC. Sa April 21 na raw ang bagong playdate ng pelikula.

 

 

Since muli na naman naurong ang pagbubukas ng mga sinehan, ibig sabihin nakabitin na naman sa alanganin ang Summer Metro Manila Film Festival na supposed to be ay itutuloy na this year.

 

 

Nakaiskedyul na ang Summer MMFF 2020 nang biglang nagkaroon ng pandemya kaya ipinagpaliban ito.

 

 

Naapektuhan din ng pandemya ang Sinag Maynila Film Festival na hindi rin natuloy last year. As of this writing ay walang balita kung magkakaroon ng Sinag Maynila Film Festival this year.

 

 

Tahimik mula sa kampo ni direk Brillante Mendoza at Mr. Wilson Tieng ng Solar Films, ang mga prime movers ng Sinag Maynila.

 

 

Wait and see ang attitude ng mga producers dahil naghihintay din ang mga ito sa magiging panukala ng IATF kung papayagan pa magbukas ang sinehan with strict health protocols followed at 50 percent lang ang capacity.

 

 

Dahil muling dumarami ang Covid-19 cases ay nakakatakot na mag-malling at apektado pa rin ang pagbubukas ng sinehan.

 

 

Hindi natin sure kung may matapang na manonood ng sine dahil sa muling pagtaas ng Covid-19 cases.

 

 

Mahirap naman i-risk natin ang ating kalusugan para lang makanood ng sine. Pwede naman na via streaming muna ang panonood.

 

 

***

 

 

FIRST time na gaganap na kontrabida ni Maxine Medina sa First Yaya at aminado ang former Bb. Pilipinas Universe titlist na medyo nag-alangan siya na tanggapin ang offer ng GMA 7.

 

 

“Natakot ako kasi hindi ko alam kung kakayanin ko ba gumanap na kontrabida,” wika ni Maxine sa solo zoom presscon niya.

 

 

“Pero ang advice ng manager ko (Jonas Gaffud) na tanggapin ang offer for the experience.”

 

 

So, kahit na kinakabahan ay sinunggaban ni Maxine ang role bilang kontrabida kay Sanya Lopez at slowly, she is getting the hang of it.

 

 

“Nagugustuhan ko naman so far. Kaya ko rin naman palang maging maldita,” natatawang wika ni Maxine.

 

 

Pero kinabahan daw siya kasi kaeksena niya ang beteranang aktres na si Ms. Pilar Pilapil. Bale ito raw ang kakampi niya sa pagiging maldita sa show.

 

 

“Siyempre she is a veteran actress and she is very good pero masarap siyang kaeksena kasi nagbibigay siya ng pointers how to attack my role,” wika ni Maxine.

 

 

Dapat daw abangan kung makakabangga ba niya si Ms. Pilar sa mga susunod nilang mga eksena sa serye.

 

 

Excited din si Maxine dahil first time niyang nakatrabaho si Gabby Concepcion who plays the president sa First Yaya.

 

 

“Napanood ko ang ilan sa movies niya, especially those with Sharon Cuneta kaya masaya ang feeling na makatrabaho ko siya. Pero ayaw niyang magpatawag na Tito kasi dapat barkada lang kami sa set.”

 

 

Nag-pilot airing na ang First Yaya kagabi sa GMA 7.

 

 

(RICKY CALDERON)

Other News
  • Pagbawi sa Overseas Deployment Ban, malabo-Malakanyang

    TINIYAK ng Malakanyang na hindi babawiin o ili-lift  ng Pilipinas ang overseas deployment ban sa mga healthcare workers sa hinaharap dahil sa COVID-19 pandemic.   Ayon kay presidential spokesperson Harry Roque, ang deployment ban ay mananatili sa kabila ng pagsalungat ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., na nakipagtalo na ang pagbabawal sa mga doktor, […]

  • Warriors sumilip sa White House

    Bumisita sa White House ang NBA defending champion na Golden State Warriors.   Mainit silang sinalubong ni US President Joe Biden at Vice President Kamala Harris.   Ayon kay Biden na nananatiling nakabukas ang White House para sa Warriors.   Tinagurian pa nito si Warriors star Stephen Curry na pinakamagaling na manlalaro.   Binigyan ng […]

  • Ads June 18, 2024