• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MPBL bongga pagbalik – Pacquiao, Duremdes

NAKATENGGA ang 3rd Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) 2019-20 Lakan Cup dahil sa pandemya nang mag-lockdown ang bansa at magkanselasyon ng lahat ng sports event sapul pa noong Marso 2020.

 

 

Pero ipinahayag nito lang isang araw nina MPBL CEO/founder Sen. Emmanuel Pacquiao at Commissioner Kenneth Duremdes na wala sa plano ang pagtiklop ng liga at magiging bongga pa nga ito sa pagbabalik.

 

 

Ayon sa eight-division world men’s professional boxing champion na si Pacquiao, plano niyang magtayo ng tahanan ng MPBL sa Metro Manila na magsisilbing neutral playing venue ng 31 teams kapag nagkabakuna na sa pandemya’t bumalik sa dating tradisyunal na normal ang lahat.

 

 

Pinupuntirya nilang masimulan na ulit ang Lakan Final Four sa kasalukuyan o papasok na buwan at ang ikaapat na edisyon sa Hunyo upang maibalik na sa mga panatiko ang kasiyahan, depende sa pahintulot ng Inter-Agency Task Force.

 

 

“Ang hiling po namin, sana is makabalik na ulit tayo sa normal na pamumuhay para magagawa na ulit natin mga bagay, pati ang MPBL Lakan season maituloy na rin  na nagpapasaya sa mga kababayan natin,” hirit naman ni Duremdes.

 

 

Dinugtong ng 1998 Philippine Basketball Association (PBA) Most Valuable Player at nag-47-anyos noong Enero na 31, kapag naidaos na ang Lakan, igagapang din nila ang bagong bagong season.

 

 

“Target goal namin ngayong 2021 matapos muna ang Lakan Season, then hopefully by June makapag umpisa uli ng bagong MPBL season,” dagdag pa ng former University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Adamson Soaring Falcons coach.

 

 

Abang pa rin ang MPBL sa mga sangkot sa game-fixing na kinasuhan na. Ilan ditto ang mga player nadawit sa `bentahan’ at pagmamanipula sa mga laro, anila’y walang puwang sa sports at sa liga.

 

 

Good luck Sen. Pacquiao. (REC)

Other News
  • RECORD BREAKING UNEMPLOYMENT SA PILIPINAS

    Umakyat sa nakalululang 17.7% ang unemployment rate sa bansa o katumbas ng 7.3 milyong indibidwal na walang trabaho mula sa dating 2.3 milyon pagtatapos ng taong 2019.  Ito ang bagong pinakamatas na rekord matapos ang 1998 economic recession sa Pilipinas kung saan umabot sa 10.3% ang kawalan ng hanapbuhay.   Ayon kay Department of Labor […]

  • PBBM, tinipon ang ‘functional’ gov’t sa kanyang first 100 days

    NANINIWALA si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.  na matagumpay niyang napagsama-sama ang “functional government” na kinabibilangan ng “best and the brightest Cabinet members” sa kanyang first 100 days sa tanggapan.     “I think what we have managed to do in the first 100 days is put together a government that is functional and which has […]

  • Ads July 30, 2022