• October 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MPBL magiging pro league sa 2021?

Maliban sa Philippine Basketball Association (PBA) ay magkakaroon pa ng isang professional basketball league sa bansa.

 

Ito ay sandaling magsumite ng aplikasyon ang Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) ni Sen. Manny Pacquiao sa Games and Amusements Board (GAB) sa susunod na taon.

 

“Baka sakali magkaroon tayo ng professional basketball league pa na mga bago, hindi pa natin ma-announce kung saan at kung kailan,” sabi ni GAB) chairman Abraham ‘Baham’ Mitra sa MPBL.

 

Ang MPBL ay inilunsad ni Pacquiao noong Agosto ng 2017 bilang isang semi-pro league na nagtampok sa 10 koponan sa inaugural season at lumobo sa 31 tropa.

 

Sa MPBL naglalaro ang ilang players na wala nang kontrata sa PBA habang nagpapakitang-gilas din sa nasabing regional league ang mga gustong umakyat sa PBA.

Other News
  • Handa kung sakaling magkita sila… CARLA, nag-react sa pag-amin ni TOM na may dini-date na

    NAGBIGAY ng reaksyon si Carla Abellana sa pag-amin ng ex-husband niyang si Tom Rodriguez na may dine-date na raw ito.     “I don’t see the need to comment or even react. Parang it’s not any of my concern anymore, parang gano’n,” diin pa ni Carla na handa rin kung sakaling aksidente silang magkita ni […]

  • Olympic torch relay isasagawa na sa March 2021

    MAY bagong petsa ng napili ang organizers ng Tokyo Olympics sa torch relay.   Isasagawa ang nasabing actibidad sa Marso 2021.   Ang nasabing aktibidad ay ipinagpaliban ngayong taon dahil sa banta ng coronavirus.   Nasa Japan na ang Olympic flame mula sa Greece na isinagawa ito bago pa man ang coronavirus pandemic.   Sa […]

  • SHARON, naliligo at nagsu-swim kasama ang luxury watches

    PINAKITA na ni Megastar Sharon Cuneta ang part 2 ng kanyang pinag-uusapang mega watch collection sa kanyang vlog na ‘The Sharon Cuneta Show’ sa YouTube.   In-upload nga ni Mega ang part 1 ng collection noong Sep- tember 16 na meron ng 379,590 views na kung saan ilan sa pinili niya ay yun may meaning […]